Una sa Balita

I KNOW BETTER: Kapuso hunk niregaluhan ng movie contract sa 21st b-day

By
0 1
derrick-sign-contract-regal
DERRICK MONASTERIO at Mother LILY sa contract signing

Hinintay muna ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde na sumapit ng 21 years old ang Kapuso hunk na si Derrick Mo­nasterio bago siya pinapirma ng movie contract kahapon.

Eh, nagsilbi ring regalo kay Derrick ang kontratang ‘yon mula sa Regal kaya naman todo-todo ang pasasalamat niya sa bagong blessing na ipinagkaloob sa kanya ni Lord.

Abante Hiring – IT dep

Bilang regalo ni Mother Lily kay Derrick, isang launching movie ang gagawin niya sa Kapuso hunk. Siyempre pa, nagbitaw muli ng one-liner ang Regal matriarch sa pagpirma ni Derrick.

“Ang sarap kasama ng mga guwapo! I’m crazy about him! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Mother.

Handa at bukas na din ang isipan ni Derrick upang magpaka-daring sa movie. Batid niyang hindi na siya bata at marami ang nagpapantasya sa maganda niyang katawan.

“Yes, I am ready sa gusto nilang ipagawa sa akin. Once in a lifetime lang ang ganitong opportunity so might as well grab it,” katwiran niya.

Nai-display na naman ng Kapuso hunk sa publiko ang kanyang pinanday na katawan sa event ng isang magazine. Karamihan nga raw ng tumili sa kanya ay mga bading, huh!

No wonder, hindi nakaligtas si Derrick sa isang indecent proposal na kapalit ng katawan niya eh, bibigyan daw siya ng isang condo sa Taguig na pinadaanan through a middleman.

Kaso, may takot sa Diyos si Derrick kaya hindi niya sinagpang ang offer na ‘yon, huh!

Rey Langit flattered sa panggagaya
ni Wally Bayola sa kanyang boses

Lumipat na ang radio announcer commentator na si Rey Langit ng radio station matapos manirahan sa DWIZ ng maraming taon.  Napapakinggan na siya sa DZRJ FM at 8 Tri TV.

Ilan sa programa ni Langit ay ang Kasangga Mo Ang Langit mula Lunes hanggang Biyernes 10-11AM at sa Balita sa Tanghali sa ganap na 12NN.

Matapos kasing tumakbo sa Senado last May, ay gusto nang bumalik ni Rey sa dating istasyon, sinabihan siya mag-extend ng kanyang leave. Nang matapos ang nasabing bakasyon, muli siyang pinag-extend ng vacation.

“Alam mo naman kaming mga broadcaster, kapag matagal ang pa­hinga, minamalat!” sabi ni Rey sa pocket interview na ginawa ng Tri Media Pro. Incorporated.

Pero ayon kay Rey, nabigyan naman siya ng share sa radio ng yumao niyang boss na si Cabangon Chua. Hindi naman daw kalakihan ‘yon pero ikinatuwa niya ‘yon.

Sa totoo lang, si Langit ang may kakaibang timbre  ng boses. No wonder, marami ang gumagaya sa boses niya at isa na rito si Wally Bayola.

“Siyempre, flattered ako sa gumagaya sa boses ko. Nagkita na kami minsan ni Wally sa Eat Bulaga at natuwa naman siya’t nagustuhan ko ‘yung paggaya niya sa boses ko,” say ni Rey.

‘Yun nga lang, nagkaroon din siya ng pangit na karanasan nang may gumaya sa boses niya at ginamit sa isang TV ad. Eh, hindi naman niya talagang boses ‘yon.

“Nagsabi ako sa kanila na maglagay ng disclaimer na hindi ko totoong beses ‘yon. Eh, matigas ang ulo so ako na mismo ang nagsabi na hindi ako ‘yung boses na nasa likod ng commercial.

Permiso lang naman ang sa akin eh, umayaw sila, kaya ako na ang gumawa ng hakbang!” paliwanag niya.

Anyway, ang mga bago pang pasok na announcers ng DZRJ  AM ay sina Tates Gana, partner ni Mayor Herbert Bautista, at Angelo Almonte na dating radio anchor at reporter ng DZMM. Ang programang Serbisyo Publiko ang programa nila na maririnig mula 11-12NN.