Una sa Balita

I KNOW BETTER: Joshua at Bimby mas naramdaman ang pagiging ina ni Kris

By
0 154

Naramdaman ng magkapatid na Joshua at Bimby ang pagiging ina ni Kris Aquino sa nakaraang biyahe nila sa Amerika. Ayaw pa nga raw umuwi ni Bimbs na super-enjoy sa bakasyon nila.

Lumantad si Kris sa bakuran ng GMA Network nang mag-guest sa Yan Ang Morning show ng inaanak na si Marian.  Ibinahagi niya ang ilang highlights ng bakasyon nilang mag-iina sa short interview sa kanya ni Yan bago nagluto ng binagoongang baboy.

Tikom ang bibig ng Multi-Media Queen kung sino ang palaging ka-text niya ngayon unlike before. Nais niyang  sina Joshua at Bimby ang tanging nakaaalam kung sino man ang malapit sa buhay niya ngayon.

“Kasi I think karapatan ko na… ‘Yun din ang na-realize ko nang magbakasyon ako. Karapatan ko na may mga bagay na isaakin ko na lang.

“Kasi in fairness sa akin, may pass code ang phone ko na alam nina Josh at Bimb so nakikita nila lahat! Sa kanila lang ako may utang. Sila lang dapat ang makaalam kung sino ‘yon, kung ano ang nangyayari, kung anuman.

“Kasi sila ‘yung affected pero the rest of the world, akin na lang!” katwiran ni Kris.

Pagdating sa kulay ng puso ngayon, “Translucent pa. Puwede pang lagyan ng kulay!”

Naging memorable din ang bakasyon nila lalo na kay Bimbs.

“Masaya ‘yung part na nandoon na si Bimb sa part, na nine na siya at kahit ano, puwede naming pag-usapan, kahit pulitika. ‘Yun ang masayang part. ‘Pag ang anak mo naging kaibigan mo na rin,” pahayag ni Kris.

Kung may ibang bansa na pangarap niyang puntahan ay ang Italy. “Kung papayag ang mga anak ko na umikot sa Italy na ako lang,” saad niya.

dingdong-marian-011
Dingdong, Marian at Baby Zia

Pagdating naman sa celebrity crush, hindi niya ipinagkaila na fan at crush niya ang CNN correspondent na si Anderson Cooper.

“Kaya lang, gay siya so wala nang pag-asa! Ha! Ha! Ha! Oh my God. Sana nakilala niya ako baka mag-iba ang pananaw niya sa buhay!” biro niya.

Sa guesting ni Kris, ipinasampol niya ang pag­luto niya ng binagoo­ngang baboy na paborito rin ng mga kapatid niya.

Bilang panghuli, nagbigay ng mensahe ni Kris kina Dong at Marian.

“I have to say this. kayo ni Dong and most especially para sa asawa mo, super bait siya kay Noy talaga and ‘yon, tumatanaw kami ng utang na loob.

“‘Pag nakikita ko ‘yung posts ninyo, hindi ninyo puwedeng lokohin ang mga tao. Nakikita ng mga tao what is genuine, what is real and by letting us see your lives, you inspire us. Umaasa pa be loved and to love.

“Kitang-kita how much he supports you and you support him. So ‘yun ang natututunan ko galing sa inyong dalawa,” pahayag ni Kris.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy