Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Jake, hugot kung hugot dahil sa ex-GF!

By
0 10
Jake Cuenca
Jake Cuenca

Sasabak na rin sa pagpu-produce ng indie film si Jake Cuenca sa Cinemalaya next year. Sa mga nagawang indie films ng aktor, memorable ang full length film na ginawa ng director-producer na si Diane Ventura, ang Mulat.

Sa pelikulang ito nagwagi ng Best Actor Award si Jake mula sa 2015 International Film Festival in Manhattan at sa Brazil World Cinema Festival kung saan wagi rin ang film ng Best Narrative Feature.

“We’re just discussing kung magkano ang ipapasok kong pera. We’re just discussing the numbers but I will be producing my movie for the next Cinemalaya,” sabi ni Jake sa presscon ng movie.

Ang title ng movie first venture niya ay Reacquited kung saan nag-audition din ang leading lady niya sa Mulat na si Loren Burgos.

Sa first lead role ni Loren, isinalang agad siya sa maiinit na eksena kay Jake. Ano ang na-experience niya habang ginagawa ang pelikula?

“Na-frustrate lang ako dahil hindi ko agad mailabas ang emotions na kailangan sa scenes na iba. Kasi as lead actress, the whole time nagsu-shoot kayo. Kada eksena nandoon kayo.

“So I have to access to many emotions. Sobrang happy ko and then mamaya, sobrang iyak ako. Mamaya, galit na galit. So parang nakakasira-ulo! Ha! Ha! Ha! Nakakabaliw siya! Pero after noon, ang sarap ng feeling!” pahayag ni Loren.

Hindi naman siya niligawan ni Jake?

“Hindi!” tugon niya.

Ayon naman kay Jake, meron siyang girlfriend nu’ng time na ginagawa niya ang movie.

“Kaya nga sobrang effective ng ginawa kaya siya nanalo ng award! Grabe ang hugot niya. Sobrang affected niya noon,” chika ng baguhang artista.

“Oo nga pala. Kabi-break ko lang ba? Hindi ko na maalala kung sino. Sino ba?” pag-aalala ni Jake.

“Grabe ang galing ng acting niya. Sinabi niya sa akin kasi na kabi-break lang niya! Ha! Ha! Ha!” pambibisto ni Loren.

Bilang bonus sa showing ng Mulat, kasama nitong mapapanood bago ang main screening ang short film na ginawa ni Diane, ang The Rapist na pinagbidahan ni Cherie Gil.