Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Heart, bongga ang tsikahan kay P-Duterte!

By
0 4

Ipinagmalaki ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account ang pagkikita nila ni Presi­dent Rody Duterte kahapon. Bumiyahe silang mag-asawa pero undisclosed ang destinasyon nila.

Sa IG post niya kahapon, may caption na, “Met with the president today…We had a nice chat about my art and other things. It was pretty AWESOME.”

Sa isa pang post ni Mrs. Escudero, sinilip ni P-Duterte ang paintings na gawa ni Heart.

Umaasam naman ang netizens na mabibiya­yaan din si Sen. Chiz ng posisyon sa administra­syon ng Presidente kahit magkaibang partido sila.

Alex at Joseph, nagpakilig sa kapehan!

Joseph Marco at Alex Gonzaga
Joseph Marco at Alex Gonzaga

Napanganga ang customers ng KKK Coffee Shop sa Maginhawa St. nang bumungad sa kanila si Alex Gonzaga upang kunin ang kanilang order. Kapag naaayos na ang order, si Joseph Marco naman ang siyang magbibigay ng kape sa customers. Siyempre, tilian din ang babaeng customers!

Ilang customers din ang napalahaw sa sigaw at nangiti nang todo nang bumungad sa coffee shop sina Alex at Joseph. In fairness, alam nilang may movie silang My Rebound Girl, huh! Game rin silang nakipag-pose ng souvenir photo at selfie sa mga suwerteng customers.

First time na ginawang tagasilbi sina Alex at Joseph sa mga tao. Enjoy naman sila sa bagong karanasan nilang ito.

Sheryl, itsa-puwera sa Cruz reunion?

Sheryl Cruz
Sheryl Cruz

Hinahanap ng netizens si Sheryl Cruz sa picture na pinost ni Sunshine Cruz sa kanyang Instagram account. Meron kasing picture na magkakasama sina Shine, Geneva at Donna, Then, may isa pang pic kasama ang ilan pa nilang pinsan na babae.

Naganap ang reunion ng mga Cruz sa despedida ni Geneva nu’ng isang araw. Halos lahat ng magpipinsan ay present sa okasyong ‘yon, except Sheryl.

Apparently, hindi pa tapos ang hidwaaan ng ilang Cruz kay Sheryl, huh!

Jeric, pigil sa pagkanta!

jeric-gonzales
Jeric Gonzales

Pigil pa si Jeric Gonzales na i-pursue ang kanyang first love na singing. Mas binibigyan kasi siya ng acting assignments kaya hindi niya maisingit ang pagkanta.

“Gusto kong magkaroon ng album at gusto ko ring mag-excel sa part na ‘yon. Pero that can wait naman. Naiintindihan ko naman kung bakit isinasabak ako sa pag-arte,” rason ni Jeric.

Sa ngayon ay napapanood si Jeric sa GMA afternoon drama na Oh My Mama bilang isa sa love interest ni Inah de Belen.