Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Coleen, nagulat sa ‘halikan’ ni Billy sa lalake!

By
0 160

Inirampa nina Billy Crawford, Kean Cipriano at Martin Escudero ang kani-kanilang partner sa red carpet premiere ng hugot comedy movie na That Thing Called Tanga Na last Tuesday sa SM Megamall Cinema 7.

Si Coleen Garcia ang ka-holding hands ni Billy; ang asawang si Chynna Ortaleza ang bitbit ni Kean, habang isang matangkad na modelo naman ang ka-join ni Martin.

Escortless naman si Angeline Quinto habang si Eric Quizon ay ang child actor na lumabas na anak niya sa movie ang kasabay niyang rumampa.

Proud si Chynna sa magaling na performance ng asawa. Biro namin sa kanya, siya ang peg ni Kean sa pagsusuot ng damit na sos­yal at fashionista ang da­ting. In fairness, ang husay ni Kean at pasimple man ang pagpapatawa niya eh, umani ng palakpak sa audience.

Nagulat naman si Coleen sa eksena ni Billy na idinampi ang labi sa comatose na boyfriend na ginampanan ni Paolo Gumabao. Hindi niya akalaing magagawa ‘yon ni Billy, huh! Natawa na lang siya sa halip na mai­nis dahil hindi raw sinabi ito ni Billy sa kanya.

Effortless naman ang pagiging mujerista at bobitang mujerista na si Martin. Consistent ang portrayal niya bilang bading na gustong magkaroon ng sariling pamilya kahit na nga ang boyfriend eh may babaeng asawa.

Aliw din si Angeline sa role bilang trying hard singer. Ang ganda ng tarayan nila ni Kean na inahas ang asawang ginampanan naman ng baguhan na si Lawrence Yap.

Subalit ang pinakamagaling sa lahat ay si Eric Quizon. Isa siyang mayaman pero gurang na ba­ding pero may dyowang bata, si Albie Casino. Rich man siya, fan na fan naman nina Vilma Santos, Nora Aunor, Maricel Soriano at Sharon Cuneta. Gamit na gamit niya ang linya sa markadong movies ng mga idolo na sumakto sa  eksena nila ni Albie, huh!

Riot ang bangayan nila ni Jerald Napoles na umahas sa boyfriend niyang si Albie. Maiksi man ang role ni Jerald, umani naman ito ng palakpak mula sa tao.

Nabigyan naman ng mga baguhang cast ang roles nila. Pero kinabog ni Luke Conde sina Paolo, Lawrence, Paulo at Albie dahil meron siyang fans na tumitili tuwing luma­labas siya sa eksena, huh!

“I owe my success to gays!” – Mother Lily

Naitawid nang husto ni Direk Joel Lamangan at wri­ter Senedy Que ang mensaheng nais iparating ng movie na lahat ay pantay-pantay sa pag-ibig. Ko­medya man ang treatment, sa mga vi­deos ng real life LGBT couples na nagsi-share ng kanilang karanasan bilang partners ay naipaliwa­nag nilang ang kanilang experiences na walang kasarian pagdating sa pagmamahal.

Sa ending ng movie, merong quotation si Mother Lily na, “I owe my success to gays!” na tunay naman niyang naranasan simula nang maitayo niya ang Regal Films.

May ngiti, may kiliti at kurot ang That Thing Called Tanga Na na angkup na angkop sa lahat ng umiibig.

After TTCTN, ang My Rebound Girl nina Alex Gonzaga at Joseph Marco ang next offering ng Regal sa September. Kasunod nito ang explosive sex drama na The Escort nina Derek Ramsay, Lovi Poe at Christopher de Leon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy