Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Assunta, maraming problema sa ‘katawan’ kaya hindi mabuntis-buntis!

By
Assunta de Rossi
0 6
Assunta de Rossi
Assunta de Rossi

Politician’s wife ang role ni Assunta de Rossi sa natapos na movie na Higanti. As we all know, sa totoong buhay ay asawa siya ni Jules Ledesma na pulitiko rin sa isang distrito sa Bacolod.

Si Jay Manalo ang papapel na asawa niya na una niyang nakasama sa Regal movie na Hubog.

Pero unlike sa totoong buhay, madrama ang role niya sa pelikula. Saan siya kumukuha ng hugot?

“Hindi ako hugot queen, eh! Sayang. Hindi. I think nagwu-work naman sa akin na I really have to get inside the character at i-feel ‘yon. Minsan nasa writing din. Tapos pag-take na handa ka na. ‘Yun ang nangyayari sa akin at hindi ‘yung nakaka-relate ako na ito ang nangyari sa akin, ito ang buhay ko. Hindi nga eh,” pahayag ni Assunta sa pocket presscon ng pelikula.

Sabihin man ng mga tao na boring ang buhay niya at walang excitement, aminado ang aktres na maligaya s’ya sa sitwasyong ganoon. Kaya naman after 14 years na pagkakaroon ng asawa at ayusin ang obligasyon sa San Carlos City, handa na siyang harapin ang pagbubuntis.

“I am very, very lucky that I have someone who trusts me and lets me do what I want. Low-key lang talaga ako na tao,” sabi ni Assunta.

Kararating lang ni Assunta mula sa isang bakasyon kasama si Jules. Kasama rin doon ang honeymoon na bihira nilang magawa.

“Ako kasi ang may problema. May anak si Jules. Wait, explain ko lang.

“Unfortunately ako ‘yung may problema. Marami akong problema physically. Papa-boob job na lang ako. Sex change! Ha! Ha! Ha!

“Kidding aside, ang daming lu­mabas na problems sa akin. Siguro iniisip na lang namin, everything happens in the right time, ‘di ba? Minsan kasi pag pinilit mo, laging hindi nangyayari. Kahit sa anong bagay sigu­ro. Pag pinilit mo at nangyari baka pagsisihan mo. Dapat pala naghintay ako or prayed for that. Na sundin ang gusto ng Panginoon.

“Siguro ‘yun lang ang puwede naming panghawakan. Kasi everything naman is falling into place. Lalo na sa da­lawang hacienda namin in San Carlos, Negros Occidental we control na everything.

“Over the past 18 years, ‘yun na talaga ang ginawa namin. ‘Yun talaga ang finocus namin. We bailed out the company nu’ng nagkaroon ng economic crisis nu’ng 2008. Kami naman baligtad.

“We saved the company. Later on in-inherit niya. Ganoon. Salo lang nang salo. Bayad utang. Salo rito, salo riyan. And then now control everything tapos kami na lang dalawang mag-asawa. That’s our legacy na kumbaga. Then eventually, idi-distribute namin sa workers ‘yon about 60 percent.

“Ngayon naman marami nang pumapasok na investors. Talagang magbubukas sila ng puwesto sa San Carlos because they really like it there.

“Baka ngayon, si God maawa na rin. You’ve taken care of everyone, it’s time that I take care of you. Baka ganoon,” paliwanag ni Assunta.

Natutuwa lang siya dahil ngayon, marami nang options na puwedeng subukan.

“Hindi na lang ako nagrereklamo. ‘Yung iba nga, they would pay everything para magkaanak. So hindi na ako magrereklamo,” dagdag pa ni Assunta.

Jay Manalo, iwas na sa ‘FLIRTING’!

Jay Manalo
Jay Manalo

Kumpara kay Assunta, 11 ang anak ni Jay sa anim na babae. Pero lahat ng ex niya ay kaibigan niya.

“May apo na nga ako eh! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jay.

Pero aminado siyang kontrolado na siya sa pagtingin sa babae dahil maligaya ang buhay niya sa piling ng partner at mga anak.

“Pagka may ganoong lumalapit na babae, iniisip ko na lang fan ko dati. Pero pag may parang flirting na, umiiwas na ako. Kasi baka magalit ang girlfriend ko bukod sa asawa ko. Hindi. Ang girlfriend ko ay ang bunsong anak kong babae,” rason ni Jay.

Sobrang laki ng pagbabago ng buhay niya lalo nu’ng dumating ang bunsong anak.

“Pero siyempre, ‘yung pagiging pilyo, hindi nawawala ‘yon especially pag magkakasama kayong lalaki. Hindi ko na ginagawa ‘yon. Mas nai-ano ko na ang sarili. Napapatingin din ako minsan pero hanggang doon lang ako,” katwiran ni Jay.

Anyway, uunahing ipalabas muna sa Dubai, Hong Kong at ibang Asian countries ang Higanti bago ang actual showing nito sa bansa.