Una sa Balita

I KNOW BETTER: AlDub pinataob si Pia Wurtzbach sa “2016 Most Beautiful Stars”

By
Alden Richards at Maine Mendoza
0 6

Unanimous decision ang buong staff ng Yes! maga­zine na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang maging cover ng 2016 Most Beautiful Stars sa special edition ng movie magazine ayon sa editor in chief na si Jo-Ann Maglipon.

Sa press launch ng mag, dumalo sina Alden at Maine bukod sa ibang artistang kabilang sa 100 stars na nasa loob ng mag.

“Ako, nagulat. Honestly, nagulat ako. Kasi alam naman ng lahat, ang laging ginagawa ko eh lukutin ang mukha ko. Magpapangit. Then, ibinalita sa akin na kaming dalawa ang magku-cover sa 100’s most beautiful. Pero honored ako to cover the 100’s most beautiful.

Saka hindi ko nilukot ang mukha ko diyan! Seryoso! Struggle po sa akin ang mag-keep ng ganyang face!” pahayag ni Maine.

“Ikaw, puwede ka? Sana solo ka na lang,” biro ni Meng sa katabing si Alden.

“Magpapaliwanag muna ako. Since I’ve been in the 100 for six years since I star­ted, lagi kong sinasabi sa Yes team, dream ko na one day sana makapag-cover  naman. Since this is the perfect time to cover since Maine and I have met. This is the perfect time to cover 100’s most beautiful,” sabi naman ni Alden.

“Sa tamang panahon!” dagdag naman ni Meng.

Sa pagpili naman sa AlDub loveteam, paliwanag naman ni Jo-Ann, “Kasi I don’t think  there’s any way we can’t say that they are not the most beautiful. This time, I think they’re the hottest and most sought after and you know we actually choose…

“We were at the time, criti­cal point, Pia Wurtzbach, bless her soul, I think liked the idea being on the co­ver of Yes 100 Most Beautiful. I thought at first it was a joke.

“She told me at a dinner for Miss Universe, but the team chose these two. So you’ve just won over Miss Universe!”

Para kay Meng, hindi ang panlabas na anyo ang pagi­ging beautiful. “It’s more on what’s on the inside. If you’re a good person. If you’re a genuine person. If you have good intentions.

‘Yun po ang definition ng beautiful for me. Secondary  lang ang physical attributes ng person,” tugon ni Maine.

“Parang for me, being a beautiful person is you value the relationships that you have with people. Kasi for them, either they’re friends, the ones that you meet in everyday. Ang maaalala lang naman nila sa‘yo at the end of the day is ‘yung nagawa mo sa kanila na mabubuti.

“So parang you are a beautiful person if you are able to manage and establish relationships that is worth your while. So good relationships for me is what makes a beautiful person beautiful,” rason ng Pambansang Bae.

Kabilang din sa listahan ng 100’s Most Beautiful Stars ang loveteams nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at James Reid at Nadine Lustre na kapwa absent sa launch pero ang intriga ay binoykot nila, huh!

Congrats, Alden and Maine. Saktung-sakto ang pagku-cover ng dalawa sa showing ng movie nilang Imagine You & Me ngayong araw, huh!

      ***

Isinalin na sa libro ang recipes na niluluto ni Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva ng GMA. Bahagi ito ng sorpresa niya kaugnay ng 30th anniversary niya sa showbiz this month.
Titled Bongga Sa Kusina, katuwan ni Songbird sa paggawa ng book si Chef Jonah Trinidad at Sarap Diva family.

“Nagpapasalamat din ako sa mga celebrity na nag-share ng kanilang recipes sa aming cook book. I’m sure matutuwa rin ang maraming readers at moms sa favorite recipes ng kanilang idolo,” pahayag ni Reg.

Ngayong Linggo, July 17, ang launch ni Songbird ng Bongga sa Kusinna sa Eastwood Mall Atrium mula 1-6PM. Ending na rin ng series niya na Poor Señorita.