Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Alden, very attentive kay Maine sa Morocco!

By
Alden at Maine
0 8

Nagpahatid ng papuri kay Maine Mendoza sa Instagram accounts nina Sari V. Yap at director Mike Carandang na naging bahagi ng pictorial sa Morocco para sa Mega Magazine. Nauna nga lang umuwi ni Alden Richards because of his previous commitment habang naiwan si Meng at nagliwaliw pa base sa posts niya sa IG.

Sa post ni Sari na inilabas ng fans ng AlDub loveteam, saad niya, “What I really think after 3 days of working with her? The girl is a riot a minute. She is quiet for a nit until she gets to know you. She is oblivious to fame, which is why fame hounds her. The @mega_magazine team is missing her now that she is on her way home…”

Post naman ni Mike Carandang, “Traveling around Morocco with @mainedcm and @aldenrichards02 is Epic! I can’t wait for everyone to see the documentary. PS: Very attentive ni Alden to Maine’s needs. Sweet sya.”

Abante Hiring – IT dep

After Morocco, Amerika ba ang biyahe nina Alden at Meng base sa plane tickets na ipinakita ng kanilang Lola Nidora (Wally Bayola) sa Kalye Serye ng Eat Bulaga?

Kim D., takot nang lumabas ng bahay dahil sa banta ng fans!

Asar rin ang seksing aktres na si Kim Domingo sa character niyang si Agatha sa Juan Happy Love Story. Sa halip na makadama ng saya dahil sa epektibong pagganap, takot ang nararamdaman niya dahil nagkagusto siya sa lalaking may asawa na (Dennis Trillo) at sinira ang relasyon sa asawang si Heart Evangelista.

Kim Domingo
Kim Domingo

Rason ni Kim, hindi raw niya mabilang ang haters niya sa social media dahil sa role niya ‘yon. Takot nga raw siya lumabas ng bahay, huh!

“Ako personally, naaasar sa character ko. Marami ring naiinis sa akin. Kapag minsan, natatakot nga akong lumabas. Feeling ko, baka sabunutan ako kapag lumakad ako sa mall.

“Pero somehow, nakikita ko namang effective ang feedback sa akin. Gawin ko na lang positibo ang pananaw ko tungkol dito,” katwiran ni Kim.

Glaiza, kasuklam-suklam!

Pumasok na sa katauhan ni Glaiza de Castro ang character niyang Pirena sa Encantadia. Lumabas na naman ang kasuklam-suklam niyang character kaya naman maging siya ay nagugulat kapag matagumpay niyang nairaraos ang eksena, huh!

“Mas minamahal ko si Pirena everytime na may nangyayaring tagumpay. Ako nagugulat and at the same time natutuwa dahil naging effective ‘yung pagpapaawa ko sa mga kapatid ko,” saad ni Glaiza.

‘Yung episode naman last August 4 na nag-trend ay bahagi rin si Glaiza. Pinatay niya ang isang kawal na ng Lireo na ginampanan ng baguhang artista na si Ken Alfonso. Trending itona ikinagulat ng huli.

“Actually, very short lang ‘yung clip and yet, naging maganda ang feedback sa viewers,” sabi ni Ken.

Sa susunod na episodes ng GMA telefantasya, lalabas na ang bagong character na gagamapanan ng baguhang si Mikee Quintos. Siya ang papapel bilang anak ni Kylie Padilla as Amihan at apo ni Marian Rivera.

Incidentally, hindi na muna mapapanood si Mikee sa Sunday Pinasaya na ipinapareha sa That’s My Bae finalist na si Kim Last. Ito ay para hindi ma-confuse ang manonoood kung sino ang totoong kapareha ng Kapuso newbie.