Una sa Balita

I KNOW BETTER: Alden-Maine, lalong minahal ng fans!

By
0 207

Binigyang-katuparan ang hiling ng AlDub Nation na gawan ng Tagalog version ang ginawang kanta ni Maine Mendoza na Imagine You & Me na may same title. Si Joey de Leon ang siyang kumamada ng pagsasalin sa Tagalog ng ilan sa lyrics pero hindi inalis ang ilang English words.

Si Vic Sotto ang unang tumulong na lapatan ng musikang composition ni Meng. Winner ang da­ting nito dahil malakas ang recall nito. Sakto nga ang kanta nang gamitin sa kumikitang movie nina Alden Richards at Maine.

Kinanta ni Meng ang Tagalog bersyon ng IY&M sa Eat Bulaga nitong nakaraang araw. Ewan lang kung papatulan ang tukso ni Lola Nidora (Wally Bayola) na isalin din sa ibang lengguwahe ang kanta, huh!

Anyway, kung napaligaya ni Maine ang fans niyang nakakita sa kanya nung bumisita siya sa Trinoma at Robinson’s Magnolia sa showing ng IY&M, lalong tumindi ang pagmamahal ng AlDub Nation sa kanila dahil sa mensahe niya kay Alden.

Anyway, as of this writing, patuloy pa ring dumarami ang block screenings ng IY&M at ‘yung bansang magkakaroon ng international screenings ay nadagdagan pa, huh!

Migo at Mikee, hindi sweet sa labas!

Pinag-aral na ng GMA Artist Center ng Tagalog ang Starstruck 6 grand winner na si Migo Adecer bilang preparasyon sa una niyang series na Encantandia. Matapos hasain ang Tagalog, bumalik daw ang self confidence niya.

migo-adecer
Migo Adecer

“Medyo maayos na ang Tagalog ko, medyo maayos na ang acting ko. I’m focusing sa singing and dancing ko. With Encantadia on the side, I’ve signed up with GMA Records ngayon. Para I can search more about my artistic side.

“When it comes to Encantadia, I’m super excited what’s gonna happen. Kasi maraming things that gonna happen,” sabi ni Migo.

Kumusta naman ang unang salang niya sa Encantadia taping?

“Super nervous ako kung magagawa ko. But once I was there, super chill lang. Walang pressure. Puro masaya lang ang gusto at walang stress. It really brought up my expectation to be more a part of Encantadia and to love it,” rason niya.

Kumusta naman ang kapareha niyang si Mikee Quintos?

“Mikee has been very easing working with. It’s scary when you’re working with a new loveteam especially when you’re in a loveteam. Pero alam ni Mikee ang kantang boundaries. We understand each other. If we’re sweet on set, we’re not sweet outside. That’s what I like about professionalism,” saad niya.

“Sweet ako sa outside pero hindi ganoon! I want also to explore other teleseryes na you’re not only stuck with one person,” dagdag niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More