Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Ai Ai, nilabasan ng ugat sa duet kay Lani M.!

By
0 138

Rehearsals pa lang ay riot na ang naganap kina Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha.

Para  nga sa concert nila ngayong gabi, September 17, sa Kia Theater ang rehearsal na ipinasilip ni Ai sa kanyang Instagram account.

Sa post ng Comedy Queen, hirap na hirap na raw siya sa pagbirit samantalang si Lani ay chill lang sa pagbirit, huh

“Tingnan mo naman ang partner ko relax na relax… Ako malapit nga lumabas ugat ko konte na lang… Rehearsals for ai meets lani,” caption ni Ai Ai.

Sa nagtatanong kung bakit tanging sa GMA lang ang guestings ni Lani, dahil ‘yon sa GMA ang partner ng DSL Productions.

Alden sa primetime, walang bitinan!

Alden Richards
Alden Richards

Wala nang bitinan ang pagpasok ni Alden Richards sa Encantadia. Eh, ilang linggo na rin ang nakaraan nu’ng umapir ang Pambansang Bae sa telefantasya bilang normal na tao.

Tapos na ang waiting game ng fans ni Alden. Next week na mapapanood ang pasabog niya sa GMA series bilang isang Mulawin na si Lakan.

Wala pang masyadong detalye sa character ng Kapuso actor kung ano ang magiging kaugnayan niya sa apat na Sang’gre.

Kahit panandalian lang ang guesting ni Alden, at least, mapapanood siyang muli sa primetime, huh!

Dingdong, ‘ander-de-saya’ kay Marian?

Dingdong at Marian
Dingdong at Marian

Lumabas na ang TV ­commercial ng isang sikat na food chain ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Plakadung-plakado nila ang kanilang sarili na parang wala sila sa harap ng kamera, huh!

Eh sa isang eksena, may batang umiyak. Nagkatinginan ang dalawa. “Dong?” “Yan?”

Pero masunurin si Dingdong na siyang ­pumunta sa crib ng batang umiiyak, huh! Naku, ‘wag gawan ng intriga ang mag-asawa, huh! ­Hindi po ­ander-de-saya si Dingdong kay Marian, ha! ­

Sarah, bonggang-bongga sa ‘Billboard’ magazine!

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Meron na ngang Asia Billboard sa bansa. Para sa una nilang cover, si Sarah Geronimo ang kinuha nila at ininterbyu na lumabas sa social media.

Isang music magazine ang Billboard na ­sikat na sikat sa buong mundo. Kaya naman ngayong maglalabas na ito ng Asian edition, malaking karangalan para sa Pop Star Royalty sa dinami-dami ng sikat nating singers, huh!

Ngayong fully-recharged na si Sarah mula sa bakasyon sa ibang bansa, waiting na rin ang fans niya sa projects na gagawin, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More