Una sa Balita

I KNOW BETTER: Ai Ai delas Alas officially single na!

By
0 213

Wala nang ka­ra­patang kuwestiyunin pa ang pagkakaroon ng boyfriend ni Ai Ai de las Alas dahil officially single na siya. Ni-recognize na ng korte natin ang divorce decree ng kasal nila ni Jed Salang sa Las Vegas, kaya wala nang sabit ang Comedy Queen kung sakaling pakasal siyang muli.

Sa text sa amin ni Ai, sinabi niyang matagal na siyang divorce kay Jed. Eh walang divorce sa ‘Pinas kaya kailangang i-recognize ang decree na ‘yon ng korte natin.

“Pero ayan na nga. Meron na karapatan to remarry praise God,” bahagi ng text ni Ai sa amin.

Wala pa nga lang balak sina Ai Ai at boyfriend na si Gerald Sibayan na magpakasal. Ipon daw muna ang boyfriend niya habang marami pang trabahong commitments ang Reyna ng Komedya.

Maine nanggulat sa comedy bar!

Nataranta ang staff ng Zirkoh Comedy Bar pati na ang stand up comedians na host nu’ng Sabado nang gabi nang bumulaga si Maine Mendoza na first time tumuntong sa comedy bar nina Allan K at Lito Alejandria.

Sa tweet ni Maine, pumunta siya sa Zirkoh upang suportahan sina Jose Manalo at Wally Bayola na featured artists nu’ng Saturday primetime, pati na ang EB Babes.

“First time ko silang napanood dito! Ang saya! Thank you, Ms. A @allanklownz!” tweet ni Maine.

Eh, jampacked ang comedy bar nu’ng Sabado hanggang saa itaas. Double treat pa ang nadama ng crowd dahil napasaya na ang mga Lolas (Jose at Wally), nasilip pa nila si Yaya Dub na bihirang ru­mampa sa gimikan, huh!

In fairness kay Maine, tahimik lang siyang dumating at hindi feeling malaking artista, huh!

Ay siya nga pala, may nagpadala sa amin ng info na may pirated copy na rin ng Ima­gine You & Me na kumakalat sa social media, huh! Ano ba ‘yan? Wala nang sinasanto ang mga pirata, huh!

Babala naman ng administrator ng Twitter ng Eat Bulaga, kapag may nakitang link ng full movie ay huwag nang i-share, wag i-post at wag i-click ang link!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More