Una sa Balita

I KNOW BETTER!: AGOT, TUMALAK KAY P-DIGONG! “Hindi ka bipolar! You are a psychopath!” — Agot

By
0 3

Naghahamon ang Facebook post ni Agot Isidro kaugnay ng pahayag ni President Rody Duterte sa US at European Union na i-withdraw nila ang tulong na binibigay at magsu-survive ang bansa natin.

Post ni Agot, “Unang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaaway.

“Pangalawa, ‘yung bansa kung saan ka inuluklok ng 16 million out of 100+ million ay Third World. Kung makapagsalita ka parang superpower ang Pilipinas, eh. At excuse me, ayaw naming magutom. Mag-isa ka na lang. Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo.

“Pangatlo, may kilala akong psychiatrist, Patingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath.”

Anyway, ipinost din ni Agot kahapon ang link ng ‘Who Are You Calling A Psychopath’ ni Susan Krauss Whitbourne Ph.D.’ na nilagyan niya ng ‘Ayan, basahin ng mabuti, ha’!

Well, ilang minuto pa lang ang nakalipas, big­la ring nag-post si E­li­zabeth Oropesa ng photo niya na nakasuot ng ‘It’s A Duterte Thing You Wouldn’t Understand’ na nilagyan pa niya ng caption na, ‘‘One of the 16 million psychopath!’’ na puwede mo ngang isipin na sagot niya sa sinabi ni Agot, ha!

Kaloka, ha! Painit nang painit ang isyu!

Mother Lily, bibigyan ng kuwarto ni P-Digong sa Malacañang!

Mother Lily
Mother Lily

Maraming tumatawag kay Mother Lily na nagsabing nabanggit siya ni Presidente Digong Duterte sa isang speech niya. May kina­laman ‘yon sa pagbanat muli ng Presidente kay Senator Leila de Lima.

Sa pagkukuwento sa amin ni Mother, nagsabi raw si P-Duterte na pumunta kay Mother Lily si Sen. Leila. Baka may kinalaman ‘yong nakaraang litanya ng senadora with matching tears and hysterics, huh!

Noong kampanyahan, nagkaroon ng pagkakataong magkita sina Mother Lily at P-Digong. Nabanggit ng ating presidente na bibigyan niya ng kuwarto sa Malacañang si Mother.

Of course, tuwang-tuwa ang Regal producer pero hindi naman siya nag-expect na magkakaroon ng katuparan ‘yon, huh!

Eh sa pagbanggit ni P-Duterte sa name ni M­other Lily, ang ibig lang sabihin ay may recall sa kanya ang producer, huh!

Willie, never nag-DROGA! Babae lang!

willie-revillame
Willie Revillame

Ipinagmamalaki ni Willie Revillame na never siyang tumikim ng marijuana, drugs, alak at sigarilyo. Pero hindi niya ipinagkailang babaero siya, huh!

Of course, tapos na ‘yung panahong nambabae si Willie. Ang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng show niyang Wowowin ang nagsisilbing tulay niya sa mga tao lalo na pagdating sa matatanda.

Sa ngayon, walang babaeng na­tsitsismis kay W­illie. Tutok kasi siya sa game show bilang siya ang producer. Sa trabaho lumalabas ang pagiging strikto niya.

Rason ng TV host, hindi naman para sa sarili niya ‘yung paghihigpit na ginagawa. Kasi ‘pag pinabayaan ng staff niya ang trabaho nila, sila rin ang mawawalan ng hanap-buhay.

So si Willie, hands on sa pagi­ging producer dahil ayaw niyang mawalan ng show na nakakatulong sa mara­ming tao.