Una sa Balita

I KNOW BETTER!: 3 kapatid ni Sharon, sunud-sunod na namatay…

By
0 9

Half-sister naman ang nawala kay Sharon ­Cuneta nu’ng isang araw. Natanggap niya ang mensahe mula sa isang pamangkin matapos ang ­rehearsals para sa The Theater ng Solaire Resorts & Casino ngayong October 15, Sabado.

Sa Facebook account ni Shawie inilahad niya ang malungkot na balita sa pagyao ng half-sister niyang si Ate Ningning (the last of the 3 siblings, (children of one mother).

Sa nakaraang presscon ng megastar para sa concert sa The ­Theater, nasabi niyang ­namatay ang kanyang ­half-­brother, Danny ­Cuneta. Hindi man siya close eh wala namang bad blood sa kanila. Gusto­ niyang tumulong pero sa dami ng obligations niya, “That would not ­allow me too much freedom with ­handling cold cash at the moment.”

Two weeks ago, namatay naman ang isa pang ­half-brother, si Freddie, na kapatid ng Kuya Danny niya. ­Nagkaroon ng falling out ang Kuya Freddie niya at ­Mommy Elaine kaya nangibabaw ang pagmamahal sa ­magulang.

“I regret that we never had the opportunity to make up and forgive each other in person,” saad ni Shawie sa FB niya.

“I wish I could say more, but alas, these are ­private moments. All I can say is that if I could have been there more, in more ways than one, I would have without any hesitation…

“It feels like so many are being taken away from me… I pray this is it. At least for a long while.

“Thank you for bearing my sadness. I don’t plan these things as you know. I promise to try my best to deliver better and happier news again next time, no matter what is going on in the life I live that you do not see.

“God bless you and good night.”

Ang pakikiramay namin kay Sharon…

Jake, nakatutok sa Encantadia!

Inabangan ni Jake Cuenca ang paglabas ng Starstruck finalist na si Avery Paraiso sa Encantandia. Ginampanan ni Avery ang role ni Khalil na unang ginampanan noon ni Jake noong 2005.

Nagpahatid ng mensaheng good luck si Jake kay Avery sa Twitter account ng una.

“@AveryParaiso hoping the role of Khalil brings you as much success as it did for me back then. ­#encantadia #EncantadiaPakikipaglaban.”

Sinagot naman ito ni Avery ng, “Thank you! It means a lot coming from you.”

Jean, ‘di insecure kay LJ

Hindi kinainsekyuran ni Jean Garcia ang pag­labas ni LJ Reyes bilang kontrabida sa ­coming GMA series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Eh kung pagiging kontrabida rin lang ang ­usapan, effortless si Jean sa character na ‘yan, huh!

Kinakitaan kasi ng potensyal ni Jean si LJ sa ­aspetong ito. Kaya hindi na niyang kailangang ­bigyan pa ng payo.

“She is good already. Ang galing niya kaya nga ang gaan lang sa set. Masaya kasi she knows na ­paano ‘yung magiging atake niya – which I am proud of,” rason ni Jean.

Bukod sa GMA series, kasama rin si Jean sa cast ng sex-drama movie ng Regal na The Escort at ­tinatapos din niya ang Mano Po 7: Chinoy kung saan ­bidang-bida sila ni Richard Yap.