Una sa Balita

I Know Better: “Duterte reminds me of my Mom!” — Ruffa

By
R U F F A G U T I E R R E Z
0 2

Nakatakdang maghain ng reklamo ang Bargn Farmaceutici Phils. Co. (BFPC) through its directors Nino Bautista at Red Gatus laban sa isang brand ng cosmetics dahil sa mapaglinlang na on line advertisement kung saan siniraan umano ang kumpanya nila at isinangkot nga ang long-time endorser nilang si Ruffa Gutierrez.

“For now, wala pang pormal na correspondence regarding this. Itong araw na ito, sinimulan namin aksyunan para mabigyan na agad ng atensyon,” sambit ni Nino sa ipinatawag na press last Thursday sa Blue Rocket café & Kitchen.

Balitang hihingi sila ng damages sa kumpanya pero ayon kay Bautista, “Huwag muna. Baka madagdagan pa! Ha! Ha! Ha! Malaki rin ang paghihirap namin sa produkto para magustuhan ng tao kaya dapat lang kaming humingi ng damages.”

Sa panig naman ni Ruffa, naalarma ang mga friends niya dahil sa post na ‘yon sa social media. Nagpaliwanag naman siyang malisyoso ‘yung article at never daw siyang gagawa ng bagay na sisiraan ang Cosmo Skin kung saan loyal user.

“I am actually surprised on how they spend their time. May time talaga sila para gumawa ng fake account. Para gumawa ng isang malicious na ad. Manira ng kapwa tao.

“Let’s just be fair, di ba? If ever people want to buy your company or buy your products, then do it the right way. Huwag na kayong manggamit ng ibang artista. I don’t even know the name of the company!

“Honestly, akala ko, imbento lang ‘yon. Sinabi lang sa akin ni Jun (Lalin) na ibang kumpanya pala ‘yon. Akala ko gawa-gawa lang ng ibang tao. I didn’t know na may product involved,” rason niya.

DUTERTE at ANNABELLE RAMA
DUTERTE at ANNABELLE RAMA

Sa isang banda, ibinalita rin ni Ruffa na sisimulan na ng pamilya niya ang season 4 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Nasa proseso na rin ang pagtatapos ng sarili niyang libro.

Ano ba ang nauna, book ng mommy niya o book niya?

“Actually, nauna ang book ko but because hindi ko natutukan, nauna si mommy. Si mommy gave her book time.

“To tell you honestly nu’ng bumili ako ng 300 na book ni mommy, hindi ko man lang nabasa at nakakaloka, pinagastos pa ako ng mommy ko. Ako pala ang topic sa loob! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sabi ng friends ko, kaloka ang mommy ko. She’s so funny! ‘Ikaw ba ‘yung nasa book niya?’ ‘Ako ba ‘yon?’ Akala ko kasi advise lang sa mga bobita in love! Ako pala ‘yung bobita na sinasabi niya.

“Actually, when my mom gives advice, there are some things na naniniwala ako. There are some things na hindi.

“Naniniwala ako sa dapat kang higpitan. ‘Yung mga anak like something when she made me bantay pero the way that she did it, medyo masakit sa tenga. Lagi niya akong pinipingot nung araw.

“But I think ‘yung paghihigpit niya sa akin, it was for my own good. Kasi in this day and age, hindi mo na alam ang klase ng mga lalaki out there. At saka ‘yung mga drugs.

Pinuproteksyunan niya ako and I am happy she rose me that way.

“Siguro hindi lang ako sang-ayon the way she says it. ‘Yun nga, walang preno, taklesa.

Puwede namang in a more refined way. But then, that’s not gonna be Annabelle Rama! Ha! Ha! Ha!” pahayag niya.

Eh, komo nga very open ang nanay niyang si Annabelle Rama na naging malapit kay President Elect Rudy Duterte nang pasyalan niya ito sa Davao, may biro ang isang kolumnista na kung may chance, gusto niyang magsabi ng posisyon bilang ambassador.

“Well, unang-una, hindi naman ako nanga­ngarap na ma-invite ako, ‘no? Playtime question lang ‘yon, sinagot ko rin ng playtime.

“’Ay gusto kong ma­ging ambassador, why not, right? Which country? Sabi ko Europe, or exotic island. Para makapag-retire ako abroad. In a beautiful city with palm trees and the beach!

“But I’ll cross the bridge when I get there pag sineryoso! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Rufing.

Eh, mukhang close raw si President Digong sa pamilya niya sa Cebu City.

“Close siya sa mga Rama pero hindi ko pa siya nakikilala. I think I will be very curious and amused! Kasi he reminds me of my mom! Wala siyang preno magsalita!

“Hindi naman takleso. Kung ano ang iniisip, ‘yon ang sinasabi!” katwiran ng TV host-actress.

Teka, tanggap na ng mommy niya ang boyfriend niyang si Jordan?  Pumapasok na ba sa isipan niya ang magpakasal?

“Why not? I think e­very­­­­­­­­­­one deserves to be happy no matter what age. For me getting married is more about the union, di ba?

“Siguro before I allow that to happen in my life, kailangang siguradung-sigurado na ako kaya hindi ko pa naiisip yan ngayon, Tito Jun,” sagot ni Rufing.