Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

`I do’! Hidilyn papatali na sa dyowa

0 50

Kung si Hidilyn Diaz ang tatanungin, ready na itong magpatali sa kanyang boyfriend.

“Ako gusto kong magpakasal,” walang kiyemeng pag-amin ni Hidilyn sa isang panayam.

Ang problema lang ay inaabangan pa niya ang hudyat ng kanyang dyowa. “Pero siyempre hinihintay ko siya,” sambit ng 30-anyos na dalaga na ang tinutukoy ay ang nobyong si Julius Naranjo, na isa ring weightlifter, filmmaker at nagsisilbi ngayong conditioning coach ng Olympic gold medalist.

Nag-umpisa ang love story ng dalawa nang magkadaupang palad sila sa isang sporting event taong 2017 sa Ashgabat, Turkmenistan.

Magkaibigan sa simula, naging magkasangga hanggang sa lumalim ang samahan.

Umabot hanggang `Pinas ang `haba ng hair’ ng Pinay weightlifter dahil mula abroad ay dinayo at sinundan siya ng Guamanian weightlifter dahil lang sa tibok ng puso.

“Tapos ayon, nagkagustuhan. After a year, he decided to come here [Philippines],” tila nahihiya pero proud na pag-amin ni Hidilyn sa bf na aniya’y inspirasyon din niya at nagsisilbing lakas.

Halos 97 taon ding natuyot sa Olympic gold ang bansa pero muli itong namukadkad nang itanghal na reyna at 1st Filipino Olympic gold medalist sa women’s 55 kilograms weightlifting competition sa Tokyo si Garcia. (Merque Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.