Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

I-demand ang orihinal na titulo ng lupa

0 18

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po. Ako si Roneto isang OFW. May itanong Lang po ako tungkol sa lupa na binibili ko kasi baka po magkaroon ng problema sa titulo. Kung sakali mabayaran ko ng buo ma’am paano ko malaman na may titulo ang lupa o wala.

Tulungan nyo po ako ma’am para hindi masayang ang pagod ko sa paghanap ng pambayad at ano ang dapat kong gawin. Yung nagbebenta ay halos nakatira siya doon ng almost 25 years na daw siya at walang nag claim sa lupa na yun.

Maraming Salamat po,

Roneto

Mr. Roneto,

Una sa lahat ay hanapin nyo sa nagbebenta ang orihinal na titulo ng lupa na nakapangalan sa kanya. Kung wala po siyang maipakita kahit na anumang dokumento na nagpapatunay na siya ay may karapatan sa lupa tulad ng Tax Declaration para sa lupa o titulo na nakarehistro sa pangalan niya ay huwag ninyong bilhin dahil baka mapunta sa wala ang mga inipon ninyo bilang OFW.

Maaari ninyo rin malaman sa Tax Mapping Division na may sakop sa lupa kung iyan ba ay mayroong nagmamay ari talaga o wala. Sabihin lamang ang address o ekastong lugar ng lupa ay maipapakita sa inyo kung iyan pa ay isang private property o nakapangalan pa sa gobyerno.

Kahit po walang nagclaim sa loob ng 25 years ngunit ito naman ay nakatitulo na sa iba ay hindi kailanman maaaribg ariin ng nakatira roon ang lupa. Ibang usapan naman po kung iyang lupa ay wala pa talagang nagmamay ari at ang nakatira roon ng mga 10 taon o hihigit pa ay maaaring makapagpatitulo sa pamamagitan ng pagsampa ng Petition sa korte para mapatituluhan ang lupang kanyang na okupa ng 10 taon o higit pa. Ngunit papatunayan pa iyan sa korte na possessor siya in good faith at matagal ng nakatira roon ng walang gumagambala. Kapag hindi po ganito ang inyong sitwasyon ay mag isip muna kayo ng ilang ulit bago magbitaw ng pera. Kung wala silang titulo o walang Tax Declaration na nakarehistro sa kanila ay mahihirapan kayong makapagpatitulo ng lupa, lalo na kung mayroon pa lang tunay na may ari ito.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o 85142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel batas with Atty. Claire Castro. Subaybayan din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya (09173215300).

Leave A Reply

Your email address will not be published.