Una sa Balita

I-check ang titulo kung may right-of-way

0 540

Dear Atty Claire,
Magandang araw po, tanong lang po. May lote po kasi na binebenta sa aming lugar inner lot po sya, as of now ung access road eh parehong may concrete wall from the exis­ting subdivision. Kung mabil ko po ito..may right na po ba ako para gumawa ng daanan at mapabuksan ang wall. Anung paraan ang dapat po namin gawin?

Salamat po
Dexter

Mr. Dexter,
Ang unang gagawin mo ay tignan ang titulo ng lupa na inaalok sa inyo at alamin ang technical description upang malaman mo kung may road right-of-way na nabanggit para sa lupa na iyan.

Usually ay hindi nagkakaroon ng titulo o naaaprubahan na magkatitulo ang isang inner lot kung walang road right of way para rito. Kung walang road right of way ay dapat na ang seller ang magprovide at gumastos para magkaroon ka ng daan papasok at papalabas.

Kung sakali na mabili mo iyan ng walang right of way papasok at papalabas ay ikaw na ang siyang maghahanap ng maaa­ring maging road at babayaran mo ang area na masasakop ng easement of right of way. Kapag hindi kaagad pumayag ang hihingan mo ng easement na ito ay idudulog ninyo pa sa korte na siyang magpapasya kung may karapatan ka ba sa hinihingi mong right-of-way.

Kung mayroon naman, ngunit medyo nalalayuan ka papalabas at papasok at nais mo lamang na madaa­nan ang daan na pagmamay-ari naman ng isang pribadong tao o pribadong kompanya ay hindi mo ito basta magagawa maliban lamang na papayag sila.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922 02 45 o 410 7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy