Una sa Balita

I am broken! — Vice

0 900

abante-paistaran-dondon-serminoMay pinagdadaanan ba si Vice Ganda ngayon? Wasak na naman ba ang kanyang puso?

“I am broken!” ‘yan ang sagot ni Vice Ganda kay @Carlaalcasid.

Sabi kasi ni Carla Alcasid:

“I am so amaze how @vicegandako deals with his problems. Whenever I see him on screen, I keep asking myself ‘lagi ba syang ganyan kasaya? ‘Di ba sya nawawalan ng problema?’ Sa lahat ng ng tawang naihatid mo sa amin sa araw-araw sana kaya ka naming yakapin pag ikaw naman ang down.”

At doon nga pumasok ang sagot ni Vice Ganda na “I am broken” na sinundan pa niya ng linyang… “But everytime you give me the chance to make you happy I HEAL.”

Anyway, may mga cryptic post din si Vice kamakailan, at hindi pa matukoy kung para saan o para kanino ‘yon. Heto nga ang mga Twitter post niya:

“Sometimes you go to the wrong choices to get to the right place.”

“Pssssssst!!! Daanin mo sa smile.”

Well, baka naman nasosobrahan lang sa pagod si Vice ngayon, dahil halos wala na naman siyang pahinga. May “It’s Showtime” siya mula Lunes hanggang Sabado, may “Gandang Gabi Vice” siya tuwing Linggo ng gabi, at maya’t maya ang mga rehearsal nila ni Regine Velasquez para sa 3-day concert nila sa Araneta Coliseum.

Pahinga-pahinga rin, Vice!

Dingdong, Dennis kabugan ng akting sa ‘Cain at Abel’ finale

Hindi na nga bumibitaw ang mga manonood sa pagtutok sa Kapuso primetime series na “Cain at Abel.” Sunod-sunod na kasi ang mga rebelasyong nagaganap dito.

Kaya naman, mas excited na ang mga loyal viewer ng serye nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo dahil magkakaalaman na kung sino ba talaga ang mas matibay sa karakter nilang dalawa bilang Daniel at Elias.

Sa nalalapit na hu­ling laban ng magkapatid, mas mangibabaw kaya ang galit nila o ang pagmamahal sa isa’t isa?

May mamamatay kaya sa huling eksena ng “Cain at Abel”? Kung kayo ang papipiliin ng ending, sino kina Dingdong at Dennis ang dapat mamatay?

O dapat ba ay happy ending sila tulad ng ibang teleserye? Na matapos ang matitinding awayan, sa pagkakasundo rin ang uwi?

Lalo na sa “Cain at Abel” dahil magkapatid nga silang dalawa.

Well, ‘yan ang dapat abangan!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy