Una sa Balita

Huwebes, Biyernes Santo bawal mangampanya — Comelec

0 275

UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na igagalang ng mga kandidato ang paggunita ng Mahal na Araw upang pansamantalang huminto sa pangangampanya para sa midterm election sa susunod na buwan.

Sa Twitter post kahapon ni Comelec spokesperson James Jimenez iginiit nitong bilang isang Katolikong bansa, ipinagbabawal ng batas ang panga­ngampanya ngayon at bukas.

Dahil dito, bawal magsagawa ng motorcade, magpalabas ng political ads sa radyo at telebisyon ang mga kandidato.

Bawal din ang pagsasagawa ng mga rally, walk-around, public speech, at pamamahagi ng mga polyeto o poster.

Sinabi ni Jimenez na hindi rin maaaring mamigay ang mga kandidato at kanilang mga supporter ng tuwalya, t-shirt, pamaypay o bottled water sa mga magbi-visita iglesia ngayong Huwebes Santo at mga deboto ng Quiapo bukas para sa tradisyunal na prusisyon.

Dagdag ni Jimenez, ‘ceasefire’ ng dalawang araw sa anumang uri ng pangangampanya bilang paggalang sa Semana Santa.

Nagbabala siya na ituturing na vote buying ang pamimigay ng anumang uri ng bagay na magsusulong sa kampanya ng sinumang kandidato. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy