Una sa Balita

Huwag sumawsaw sa brgy. polls — VP Leni

By
0 1,036

SA opisyal na pagsisimula ng kampanya ng mga tumatakbo sa barangay election, nagpaalala si Vice President Leni Rob­redo sa mga politiko na huwag nang makialam at sumawsaw pa sa halalan dahil isa itong prosesong ‘apolitical’.

Paglilinaw ni Robredo, bagama’t ito’y isang political exercise, ngunit sa ilalim ng batas ito’y isang ‘apolitical’ o walang dapat na kinakampihan.

“Iyong sa akin lang, Siguro mensahe sa mga politiko, na iyong barangay officials are supposed to be apolitical. Sana hindi pakialaman, hindi pakialaman ng mga politiko kasi hindi naman ito dapat political. While political iyong exercise, pero under the law hindi siya dapat. Walang kampi-kampihan,” ayon kay Robredo.

Samantala, sa inilabas na listahan ng pangalan ng mga barangay official na dawit sa droga, hi­ling ni Robredo sa law enforcement agencies na mag-ingat rin dahil reputasyon ng mga ito ang nakasalalay dito.

Mahalaga umanong idaan muna sa masusin­g beripikasyon bago ito tulu­yang isapubliko dahil ma­aaring mayroon mga pagkakamali at mahirap na itong ibalik oras na maisapubliko.