Una sa Balita

Huwag padalos-dalos

0 297

Tinanggal sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major Guillermo Eleazar si Eastern Police District (EPD) chief Brig. General Christopher T­ambungan dahil sa umano’y pananakit sa isang babaeng pulis.

Siyempre maselang isyu ang ibinabato ng babaeng pulis na kinilalang si Police Corporal April Santiago, nakatalaga sa Police Community Precint (PCP 1) sa Greenhills, San Juan kay Tambungan dahilan para maging maingat din si Gen. Eleazar sa pagdedesisyon.

Armado ng kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage ay inalam ni Gen. Eleazar ang buong pangyayari noong alas-siyete nang gabi, Mayo 12, ang araw kung kailan nangyari ang pananakit ng sinibak na EPD chief.

Pero paliwanag ng NCRPO chief, Hun-yo 18 lamang nang matanggap niya ang report sa insidente dahilan upang ngayon lamang niya ilabas ang order ng pagsibak kay Tambungan.

Nagtagal sa pagrereklamo ang lady cop ayon kay Eleazar dahil sa takot nitong siya ang masibak sa serbisyo.

Maliban pala sa pananakit ay binatukan, sinabihan pa ng kung ano-anong masasakit na salita si Santiago ni Tambungan.

Well, ang ganyang pag-uugali ng isang pulis ay hindi makakalusot sa istilo ng pamumuno ni Gen. Eleazar.

Kahit sinong sangkot sa pagmama-labis sa puwesto ay hindi hahayaan ni Gen. Eleazar na mamayani.

Kaya nga bilib na bilib ako sa istilo ng pamumuno at pamamahala ni General, ang katangiang kailangan natin sa PNP.

Kay Eleazar kasi ay nakatitiyak tayong mag-i-improve pa ang serbisyo ng mga pulis sa probinsya at buong bansa, tungo sa mas magandang peace and order na kalagayan—na siyang reflection ng pamunuan ng Pangulo.

Sa palagay ko rin kasi na kapag hindi si Eleazar ang naging PNP chief, walang katiyakan ang magiging peace and order sa bansa.

***

Sa Hulyo 22 pa nang umaga magaganap ang botohan ng susunod na Speaker kaya hindi dapat nagpapadalos-dalos sa mga binibitawang salita ang ilang kongresistang patungkol sa magiging susunod na pinuno ng Kamara

Hala kayo baka masabihan kayong paasa, lalo na ang mga party-list solon. 

Paano ba naman ay walang nangyarisa ipinangangalandakang pagpili ng party-list solons nitong Miyerkoles kung sino ang kanilang susuportahang kandidato bilang speaker.

Ibig bang sabihin nito ay puro ingay lang ang ginawa ng PBA Party-list Congressman na si Jericho Nograles na pipili na daw sila sa pagitan ni Leyte Cong. Martin Romualdez at Marindque Cong. Lord Allan Velasco. Anyare?

Para hindi nalalagay sa balag ng alanganin ang mga kongresista o inyong grupo huwag na munang m­aging matabil dahil nakakasira yan ng kredibilidad.

Hintay-hintay na lang ng tamang panahon para hindi tayo nagigipit sa mga pangyayaring wala naman palang katotohanan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy