Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Huwag na tayo magkamali ng taya, kay Ping sigurado

0 84

Bahala na si Batman/Superman, o eeny, meeny, miny, moe.

Ganyan ka ba pumili dati kapag hindi mo alam ang isasagot sa exam sa eskwelahan? Anuman ang sagot mo, sana hindi mo ito gawin ngayong eleksyon. Huwag mo na rin gamitin ang gasgas nang statement na “pareho-pareho lang naman sila.”

Mali ka dyan. Hindi sila magkakapareho dahil may tunay na naiiba at ‘yon ay si independent presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Bakit kamo? Para masagot ‘yan sa madaling salita, i-share ko lang sa inyo itong deskripsyon kay Lacson galing kay Atty. Lucas Managuelod, ang chairman at chief executive officer (CEO) ng Public Safety Savings and Loan Association, Inc. (PSSLAI).

Nitong Biyernes kasi ay inendorso ng PSSLAI si Lacson dahil naniniwala sila sa kanyang katangian na swak din sa palayaw niya na PING.

Ang P ay para sa kanyang passion sa serbisyo publiko; I naman dahil sa intolerance niya sa mga korap o walang sinasanto sa paglaban sa katiwalian; N dahil sa noble leadership, kilala si Lacson sa kanyang istilo na ‘leadership by example’; panghuli ay G para sa kanyang good governance agenda.

At kung ikukumpara rin sa ibang presidentiable, tiyak naman na walang katulad ang naging laban ni Lacson na simula umpisa hanggang dulo e totoo sa kanyang mga binibitawang salita, hindi panay pangako, at walang kapararakan.

Hindi kailanman nakita si Lacson na sumayaw o kumanta para suyuin ang mga botante, at maging sa kanyang miting de avance sa Carmona, Cavite nitong Biyernes, naging pokus pa rin niya ang pagtalakay sa mga isyu ng bansa, para himukin ang mga Pilipino na siya ang iboto upang magkaroon ng reporma sa mga serbisyo ng gobyerno at bepenisyo sa mga ordinaryong Juan at Juana.

Wala ring pinagbago sa kanyang mga naunang paalala para sa taumbayan na pag-isipang mabuti kung sino ba ang karapat-dapat na ibotong maging pangulo para maiwasan nating dumanas ng paghihirap sa susunod na mga taon at henerasyon.

“Huwag po tayong magkamali. Ang nakasalalay po dito ay buhay ng ating mga anak, at magiging anak ng ating mga anak. Ang susunod na henerasyon ng Pilipino, sa kanila po natin ialay ang ating boto,” mensahe ni Lacson sa lahat ng mga Pilipino.

Tama naman si Lacson, hindi pwede ang pwede na o bahala na sa ganitong pagkakataon. Dapat sundin natin ang panawagan niya na isang tahimik na rebolusyon gamit ang ating panulat at balota. Tandaan natin na sa May 9 (5-9) taumbayan ang magtatagumpay kapag nag-Ping Lacson tayo!

Leave A Reply

Your email address will not be published.