Una sa Balita

Huwag matakot kahit doblado sa tawagan

By
0 544

Kapag kinapitan ka ng suwerte, kahit ano pa itsura ng manok mo o maliit ka sa laban ay mananalo ang panlaban mo.

Kaya naman kahit tresan, sampu-anim o doblado ang tawagan ay maraming sumusugal at pumapago dahil katwiran nila ay parehong may tare ang maglalaban.

“Unahan lang naman ‘yan kaya kahit doblado tawagan ay hindi pa rin nakakasiguro ‘yung liyamdo, lamang oo pero sigurado hindi,” saad ni Jose Buenaventura na taga-Pateros at matagal na rin nagsasabong.

Abante Hiring – IT dep

“Malaking bagay diyan ‘yung sipat ng mananare sa tarian kaya dapat maingat sa pagtatare para pasok pagtama sa malalambot na parte ng manok,” dagdag ni Buenaventura.

Pumapasok ang mga nauulot na manok sa tarian upang lagyan ng blade ang kaliwang paa ng maglalaban na warriors.

Pagkatapos matarian ay pupunta na sila sa ruweda upang bitawan ang pares na manok na maglalaban.