Una sa Balita

Huwag magsuot ng contact lens kapag may ashfall – DOH

By
0 419

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) at Philippine Cornea Society na protektahan ang mga mata sa volcanic ash.

Inabisuhan nila ang publiko na huwag munang magsuot ng contact lense dahil sa didikit dito ang abo na mula sa pagsabog ng bulkang Taal.

Sakali umanong maramdaman na may pumasok na abo sa mata ay gumamit ng eye lubricant para maalis ito o di kaya’y malinis na tubig sa loob ng lima hanggang sampung minuto.

Huwag umanong kuskusin ang mga mata dahil ang ash particle ay makaka-scratch ng mata.

Iwasan din umano na tumingala dahil baka malaglagan ng abo ang mga mata.

Maaari umanong magsuot ng goggles o eyeglasses para maprotektahan ang mga mata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More