Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Huwag magkompiyansa, health protocols vs COVID-19 sundin – Bong Go

0 177

Pinaalalahanan ni Senator Christopher “Bong” Go ang publiko na huwag maging kumpiyansa at sa halip ay istrikto pa ring tumalima sa mga ipinatutupad na health and safety protocols ng pamahalaan, dahil nananatili pa rin aniya ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), at ngayong mayroong bagong variant ng virus ang nanganganib na makapasok sa bansa.

Hinikayat rin ng senador ang mga awtoridad na istriktong ipatupad ang mandatory mask- at face shield-wearing policy at pagkalooban ng libreng masks at face shields ang mga mahihirap na hindi kayang bumili ng mga ito, para hindi sila mahawa ng virus.

Batay sa pag-aaral na inilabas ng University of the Philippines-OCTA Research, lumilitaw na 61% lang ng mga residente sa Metro Manila ang palagi o regular na gumagamit ng face shields sa labas ng kanilang tahanan.

Pinaalalahanan naman sila ng senador na, “Hindi pa tapos ang laban kontra COVID-19. Huwag muna tayo magkumpiyansa. Sumunod tayo sa patakaran ng gobyerno dahil ang kapakanan naman ng lahat ang inuuna natin dito.”

SM food to go Banner Ad

“Importante ang buhay ng bawat Pilipino. Para dun sa hindi makabili ng sarili nilang mask at face shield, bigyan dapat ng gobyerno ng libre para makapag-comply sila,” ani Go.

Ikinalulungkot ng senador na sa kabila ng kahalagahan ng pagsusuot ng masks at face shields ay maraming mahihirap na Pinoy ang hindi kayang bumili ng mga ito, kaya’t umapela siya sa mga concerned government agencies na magpamahagi nito sa mahihirap ng libre.

Aniya pa, normal na nagmu-mutate ang virus kapag naipapasa ito mula sa isang tao papunta sa iba sa mahabang panahon kaya’t mahalaga aniyang magsuot ng mask at face shield para hindi na ito makahawa at mabawasan ang tiyansang mag-mutate pa ang COVID virus.

“Huwag tayong magkumpiyansa. Delikado pa po ang panahon ngayon. Kung maaari po, huwag munang lumabas ng bahay dahil delikado pa po. Parating magsuot ng mask at face shield kung sa labas, maghugas ng kamay at mag-social distancing po,” panawagan pa ng senador, na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nag-iikot sa buong bansa upang magkaloob ng tulong, gaya ng masks, face shields, vitamins at iba pang pangunahing pangangailangan, sa vulnerable sectors para makaagapay sa matinding epekto ng krisis.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.