Una sa Balita

Huwag lalaki ang ulo Jio

0 418

Jerry Codiñera

Nitong June 9, Sunday, sa ikalawang laro ng Purefoods Hotdogs sa UNTV Cup ng Legends, natalo kami sa Ginebra Team.

Nanguna sina Helterbrand, Hizon at Marlou Aquino sa scoring at rebounding habang ang bumida sa Purefoods ay ang inyong lingkod, si Roger Yap at Alvin Patrimonio.

Kinabukasan, first time ko at ng aking anak na si Matisse at pamangkin na si Nicke na tumungo sa Balesin Resort para mag-conduct ng basketball clinic ng limang araw para sa mga miyembro ng nasabing lugar.

Ito ay sa pamamagitan ng imbitasyon ni Vince Hizon na isa sa mga sports head ng lugar.

Kumpleto sila sa iba’t ibang klase ng restaurant tulad ng Toscana, Sawadee atbp.

Meron din ang Balesin na parang white beach ng San Vicente, Palawan ang haba.

Sa mahilig mag-outing o pumunta sa mga eksklusibong resort, ang lugar ay maihahambing mo sa LIO ng Palawan sa laki, ang club house nila ay parang sa Ayala, Alabang kumpleto, ang lay out ng mga villa ay parang sa Punta Fuego ng Batangas at ang mga design ng cottage ay parang sa Plantation Bay resort ng Cebu.

Salamat sa naging panauhin natin sa BANTAY SARADO Abante News Online nitong nakaraan Biyernes na si Jio Jalalon.

Ang daming natuwa nang ikinuwento niya ang buhay niya sa varsity, commercial team at naging parte ng Gilas Team.

Magmula sa walang pera nung nag-uumpisa pa lang siya, laging bitin sa pagkain na halos inuulam niya ay chicharon (tinalo pa niya si Manny Pacquiao na ang inuulam dati ay nilagang danggit). Sabaw sa umaga, gulay sa tanghalian at danggit sa hapunan at kakulangan sa playing time sa eskwela.

Lahat ng hirap at sakrispisyo na inabot ni Jio ay nasuklian lahat.

Sana tuloy ang pagiging masipag, may takot sa diyos, huwag lalaki ang ulo at mahalin ang trabaho niya.

Mabuhay ka Jio !!
Ang MPBL ni Sen. Manny Pacquiao ay magsisimula na ngayon araw at ang NCAA men’s basketball naman ay sa susunod na buwan naman ng July.

Kaya mga kababayan abangan natin, sigurado madami na naman mga bagong bayani sa basketball na madidiskubre.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy