Una sa Balita

Huwad ang kasal

0 346

Dear Atty.,

Sumulat po ako sa inyo upang itanong kung valid ba po ba ang ­pagkakakasal ng judge kung mag-isa ka lang? At wala ang partner mo? ­Ginawa po namin ‘yun dahil nabuntis ko po siya sa abroad. Malaki na ang tiyan niya kaya hindi siya puwede umuwi ­dahil sa ­kanyang ­kalagayan. Ang ginawa kop o ­umuwi ako sa ­Pilipinas para magpakasal sa judege na ako lang mag-isa. Kaya naman po gusto kong itanong kung valid po ba ‘yun? Wala rin kaming magulang na kasama. Ako lang din ang pumirma.

Thanks,

Migz

Dear Migz,

Kung maipapakita mo ang ebidensiya na ang girlfriend mo ay wala sa Pilipinas nu’ng araw ng kasal ninyo ay maaaring magamit iyan upang mapawalang bisa ang kasal ninyo.

Ang kasal ninyo ay lumalabas na hindi valid dahil walang ­presensya ang naging asawa mo. Dahil nasa abroad siya ay mas madaling makikita ang ebidensya na huwad ang inyong kasal. Ayon sa ating Family Code:
Art. 3. The formal ­requisites of marriage are:
(1) Authority of the solemnizing officer;

(2) A valid marriage license except in the cases provided for in Chapter 2 of this Title; and

(3) A marriage cere­mony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the ­presence of not less than two ­witnesses of legal age.

Ibig sabihin kapag ikinakasal ang ­dalawang mag-partner na babae at lalaki dapat na nag-apply ng marriage ­license at dapat na nasa seremonya ng kasal kung saan magsasabi sila ng personal declaration na tinatanggap nila ang isa’t isa bilang ­mag-asawa.

Dahil diyan ay hindi ligal ang naging kasal ninyo.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lang sa 9220245/5142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy