Una sa Balita

Hustisya sa mga pinatay ng CPP-NPA

0 293

Dear Abante,

Hangga ako sa ipinakitang katapangan at galing ni Judge Thelma Bunyi-Medina ng Manila Regional Trial Court Branch 32 kung saan inutos nito ang pag-aresto sa mga taong may matataas na posisyon sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF na may kaugnayan sa ‘Inopacan massacre’ at iba pang mass grave sa bayan ng Leyte.

Dapat lang na hulihin ang mga taong ito lalong-lalo ang kanilang founder na si Jose Maria Sison at Luis Jalandoni at ang iba pa na ngayon ay patuloy na nagtatago at naninirahan sa ibang bansa. Dapat nga eh noon pa pinaghuhuli ang mga taong ito para naman noon pa ay nakamit na ang hustisya ng mga inosenteng mga mamamayan na kanilang walang awang pinatay.

Kahit itanggi pa ang alegasyon kay Sison, hindi kailanman maniniwala ang sambayanang Pilipino sa kanyang kasinungalingan. Tama lang din na walang piyansang ibinigay para sa mga ito. Sana naman ay makipagtulungan din ang mga international police sa hakbang na ito ng ating gobyerno dahil tiyak na itong mga tao ring ito ang magiging dahilan ng kanilang paghihirap at problema.

Mahuli na sana lahat ng mga akusado para tuluyan nang mabigyang hustisya ang mga pinatay at pamilya ng mga biktima ng kalupitan ng CPP-NPA. Panahon na para putulin ang sungay ng mga taong ito at nang lumago naman ang ating bansa.
Divine Macapobre
Caloocan City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy