Una sa Balita

Hustisya kay Mayor Bote, hiling ng pamilya

By
0 581

UMAASA ang pamilya ni General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand P. Bote na mabibigyang hustisya ang pagkamatay nito at mareresolba ang kaso sa lalong madaling panahon.

Ayon kay dating­ Nueva Ecija Board Member Nap ‘Ito’ Bote, ama ng alkalde, halos araw-araw ay nakakatanggap sila ng update mula sa investigating bodies at ‘nasisiyahan sa resulta ng imbestigasyon’.

Pinaghahanap pa rin ang tatlong suspek sa pananambang kay Bote sa gate ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS), Maharlika Highway, Brgy. Imelda, Cabana­tuan City noong Martes nang hapon.

Ukol sa pahayag umano ni former Mayor Virgilio ‘Ginto’ Bote na politika ang sinasabing motibo, “No comment ako diyan, sarili niyang pagtingin iyon”, ayon pa sa dating board member.

Si Ginto Bote ay three-term mayor ay kasalukuyang provincial chairman ng PDP-LABAN sa Nueva Ecija na hinalinhan ni Mayor Ferdinand Bote.

Ikinatuwa pa ni da­ting Board Member Bote ang paglalaan ni Nueva Ecija Gov. Czarina Umali ng P1M pabuya sa ikakaaresto sa pagpatay sa panganay niyang anak.

Nagpasalamat din ito sa pagbibigay ng PNP ng security sa dalawang apo na sina Dino at Gelo, na kapwa anak ng napatay na mayor.