Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hustisya ilalatag sa 2 niratrat na anti-drug cop

0 14

Puspusang imbestigasyon ang isinasagawa ng pamunuan ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa pagpaslang ng di pa nakikilalang salarin sa 2 drug enforcement personnel noong Biyernes ng gabi sa Brgy. Magsaysay Sur, Cabanatuan City.

Makaraang kondenahin ang pangyayari, nangako si PColonel Rhoderick B. Campo, OIC provincial director ng NEPPO, sa mga naulilang pamilya nina PSSg Allan Uy Capinpin at PSSg Aries Cajucom Dichoso, kapwa nakatalaga sa DEU ng Cabanatuan City police, na mabibigyang hustisya ang kamatayan ng mga ito.

Pinagbabaril ang dalawang biktima sa tahanan ni Capinpin makaraang iwan ng 4 na iba pang pulis na mga nakainuman.

Sangkot umano ang 2 DEU personnel sa matagumpay na buy bust operation sa Brgy. Sangitan Weste, Cabanatuan City noong Huwebes at nakaaresto ng 3 hinihinalang drug pusher. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.