Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hustisya hiling ng pamilya sa Sulpicio Lines tragedy

0 183

Pangungunahan ng Public Attorney’s Office (PAO), kasama ang mga pamilya ng mga namatay sa Sulpicio Lines tragedy sa paghahain ng motion for reconsideration sa Regional Trial Court (RTC) matapos na hindi makamit ang inaasahang hustisya may labing tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni PAO Chief Atty. Persida Acosta na nitong Nobyembre 23, 2021 ay nakatanggap ang mga kaanak ng mga biktima sa nasabing sakuna sa karagatan, ng order mula sa korte at pinawalang sala ang opisyal ng Sulpicio Lines at idinismiss na ang kaso laban sa iba pang mga idinawit sa trahedya.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide, Physical Injuries and Damage to Properties ang mga idinadawit sa kaso.

Kasunod nito, nagpahayag din ng pagka dismaya si Acosta sa naunang pagkaka-dismiss ng kanilang kaso, gayong may matibay na ebidensiyang magpapatunay na may kapabayaang nagawa ang mga akusado.

Sa kabila nito, hindi pa rin nauubusan ng pag-asa ang mga kamag-anak ng biktima ng trahedya na makakamit pa rin ang inaasam na hustisya.

Siniguro din ni PAO chief na hindi sila titigil na ilaban maging ang civil case hanggang hindi nakakamit ang katarungan ng mga biktima bagamat nakamatayan na ng ilang nagrereklamo ang napakatagal na kaso. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.