Una sa Balita

Hustisya abot-kamay na! 2 testigo susi sa Batocabe killing

0 492

MAYROON na umanong magandang development ang kaso ng pamamaslang kay Ako-Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe at police escort ­nitong si SPO1 Orlando Diaz, ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr.

Ayon sa opisyal, mayroong lumutang na dalawang saksi na maaaring maging susi sa pagkakahuli sa mga suspek at ngayon ay kinakausap na ng Special Investigation Task Group (SITG) Batocabe.

“I can assure, there would be positive developments pretty soon so definitely, we are on top of investigation. The investigation is progressing quite positively. There are a lot of encouraging results based on this investigation and for sure, you’ll be hearing good news from the PNP,” ani Durana.

“Probably today. Probably tomorrow. I cannot say that. I am not in the liberty to say that at this point but definitely I’m quite sure there are positive developments that would be considered good not only for the PNP but for the entire country because rule of law is actually being observed,” dagdag pa ni Durana.

Marami na rin ang lumutang na umano’y saksi sa pagpatay ayon kay Durana na mga nagha­hangad sa P50 million reward money subalit karamihan ay mga walang kuwentang witnesses at ilan lamang sa mga ito ang masasabing credible witness, saad pa ni Durana.

Samantala, patuloy din ang imbestigasyon sa lahat ng maaaring suspek kasama ang isang mayor na kalaban ni Batocabe sa pagka-alkalde sa 2019, gayundin ang anggulo na mga New People’s Army (NPA) ang pumatay sa mga biktima. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy