Una sa Balita

Husay ng OFW isinalarawan sa HK film

0 321

ISANG pelikula sa Hong Kong ang nagpapakita sa kahusayan sa trabaho ng isang overseas Filipino worker (OFW).

Ang pelikulang ‘Still Human’ ay kuwento ng isang Pinay photographer na inabandona ang kanyang pangarap sa Pilipinas upang magtrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong.

Naging amo niya ang isang paralisadong lalaki na iniwan ng kanyang pamilya.

Sa una ay nahirapan ang Pinay sa bagong trabaho subalit sa pagtitiyaga, dedikasyon at pagmamahal sa trabaho ay nagkaroon sila ng bonding ng kanyang amo.

Ang Pinay DH ay ginampanan ng aktres na si Crisel Consunji na nakatanggap ng nominasyon bilang Best Actress at Best New Performer sa Hong Kong Film Awards (HKFA).

Labis naman ang kasiyahan ni Crisel sa nakuhang nominasyon at maging modelo ng domestic helper sa nasabing pelikula.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy