Una sa Balita

Hurricane Matthew, serious storm — Obama

By
0 2

Pinalilikas na ni United States President Barack Obama ang mga residenteng nakatira sa dadaanan ng Hurricane Matthew na tinawag na ‘serious storm’ na posibleng makapagdulot ng matinding pinsala.

Ayon kay Obama mabuti na ang nanini­guro dahil maari namang mapalitan ang ari-arian pero kapag ang buhay ang nawala ay hindi na umano ito maibabalik.

Nabatid na sa Florida, nasa 1.5 milyon na mga resi­dente ang nasa 12 counties na inatasan nang lumikas.

Abante Hiring – IT dep

Inilikas naman ang nasa 250,000 residente sa Charleston at Beaufort sa South Carolina kung saan idineklara ang state of emergency.

Sa pinakahuling report, umabot na sa 15 ang namatay mula sa ilang Caribbean countries.

Ayon sa National Hurricane Center, bagamat hindi magla-landfall sa Florida si ‘Matthew’, ang sentro ng bagyo ay malapit na malapit sa Atlantic Coast at posibleng maitaas sa Ca­tegory 4 hurricane dahil sa taglay nitong lakas na 125 mph (205 kph) na hangin at ang mata ay nasa northwest Bahamas.

Pinayuhan ni Obama ang mga Amerikano lalo na sa mga dadaan ng bagyo na mag-ingat at seryosohin ang banta nito, at sakaling tumama ang sentro nito sa Florida, tiyak umano na lubha itong mapanganib.