Una sa Balita

Hunky contestant nag-init sa harutan kay Maja

0 1,052

Energy agad ang binigay ng mga suma­bak na dance acts sa pagsisi­mula ng “World of Dance Philippines” at maging ng mga hurado nito na sina Billy Crawford, Maja Salvador, at Gary Valenciano sa pagsisimula nito noong nakaraang weekend (Enero 12 hanggang 13).

Sobrang napahanga ng GENSAN DSK, na nagsayaw ng ballroom, ang mga hurado na sina Billy, Maja, at Gary. Si Maja nga ‘di na napigilan ang sarili at tumayo na habang pinapanood ang grupo. Sabi pa niya, “Ganung kataaas ‘yung energy naipasa niyo sa amin, kaya ang taas-taas namin.” Dagdag pa ni Maja, sobrang napasaya siya ng grupo.

Napatayo naman ng Junior group na Ace of Spades ang lahat ng mga judge. At sino ba namang hindi tatayo matapos panoorin ang mga batang ito na hindi nagta-tumbling, kundi lumilipad-lipad din sa entablado?

Isa pa sa mga tumatak na moment sa amin ay ang pagsayaw ng hunky contestant na si Asaf Goren mula sa Israel at ng hurado na si Maja sa kanta niyang “Dahan-dahan.” Napainit nila ng kaunti ang stage sa kanilang short but sweet dance. Halata rin na nag-init si Asaf kay Maja, ha!

Para naman kay Mr. Pure E­nergy himself, ang soul or kaluluwa raw ni Asaf, hindi lang bilang dancer, kundi bilang isang musi­kero na rin, ang talagang nakakahumaling sa kanya.

Gustong-gusto rin ng mga nanood na audience ang naging contemporary dance interpretation ni Renz Serrano ng “’Di Na Muli’” mula sa soundtrack ng “Sid and Aya.” Ika nga ni Billy ay napaka-graceful ng kanyang mga galaw na talaga namang nakakamangha.

Humataw rin ang SB New Gen o ang bagong henerasyon ng Sexbomb Girls. Oo, may mga panibagong Sexbomb Girls, pero andoon pa rin ang classic na “Get get Aw” ng grupo.

Marami pang mga mahuhusay na dancer at dance group na mapapanood sa “World of Dance Philippines” kaya dapat talaga itong tutukan ng mga madlang pipol. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy