Una sa Balita

Hunk aktor bistado ang ‘milagro’ kay young actress

0 652

Dalawang pamosong personalidad ang pinagpistahan isang gabi ng magkakaumpukang magkakatrabaho sa isang network. Isang lalaki at isang babae.

Ang hunk actor ay may karelasyong magandang aktres. Ang magandang young actress naman ay may boyfriend na young actor.

Nagkasama sila sa isang proyekto. Paalis pa lang sila ng bansa para sa shooting ay marami nang nag-isip na sa kanilang pagbabalik ay hindi makaiiwas ang babae sa lakas ng karisma ng lalaki.

Kuwento ng aming source, “Pinaplano pa lang ang pagtatambalan nilang movie, e, alam na agad ng mga katrabaho nila na siguradong bibigay ang girl sa guy.

“Ibang klase kasi ang hunk actor na ‘yun, napakalambing niya, marunong siyang pumara-paraan, kahit naman sa mga becki, e, malakas ang charisma niya, ‘di ba?

“Magaling ang hunk actor na ‘yun, matindi siya, walang nakaliligtas sa kanya, sa totoo lang!” pasakalye ng aming impormante tungkol sa guwapong hunk actor.

Nagdedenay sila nga-yon, lalo na ang babae, wala raw katotohanan ang   na kalat nang isyung nagkakamabutihan sila ng hunk actor.

Balik-kuwento ng aming impormante, “E, bakit biglang nag-break ang girl at ang boyfriend niyang young actor? ‘Yung guy naman, e, kailangang mag-deny, may girlfriend kasi siyang mukhang nakakatunog na rin ngayon sa milagro nila ng young actress, ‘di ba?

“Nag-eemowt na ang girlfriend niya, may mga posts nang may matinding patama sa guy, maitatago ba naman nila ang mga nangyayari sa napakaliit lang na mundo ng showbiz na nagkakaamuyan ang lahat tungkol sa mga latest na nagaganap?

“At take note, may bridge ang dalawang ‘yun, isang female personality na kaibigan ng girl, ‘yun ang bridge nila, sa bahay niya nagpupunta ang girl, tapos, susunduin naman du’n ng hunk actor!

“Magdenay pa sila! B­uking na bu-king na ang mga drama nila!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Mayor Isko nagka-pogi points sa mga Manilenyo

Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating anak ng Tondo na namamatsoy lang ng mga basura ang iluluklok palang mayor ng kanyang lunsod?

Destiny ang tawag du’n. Nakasulat na sa kanyang mga palad. Walang kahit sinong makahaharang sa anumang nakatakda na.

Kumandidato siyang konsehal ng kanilang distrito, nagdeliber, nag-aral ng batas at pagkatapos ay tumakbo siyang vice-mayor at nagtagumpay naman.

Ngayon nga ay tinatawag na siyang Mayor Isko Moreno. Siya na ang tagapamuno ng kapital ng ating bansa, siya na ang ama ng Maynila, at puro pogi points ang inaani niya ngayon sa iilang araw pa lang niyang paglilingkod sa kanyang siyudad.

Si Francisco Domagoso na nadiskubre ni Daddy Wo-wie Rojas sa lamayan, nagpupunta lang siya du’n sa gabi para makikain ng sopas at makapagtong-its, hanggang sa nag-artista na siya sa pamamagitan ng That’s Entertainment.

Pagsaludo ang isinalubong ng mga Manilenyo maging ng publiko sa ginawa niyang pagpapasimuno ng mabilisang paglilinis sa mga abalang kalye sa Maynila. Malinis na ngayon ang Claro M. Recto Avenue, maluwag na ang Divisoria at Carriedo, nawala na ang mga ilegal vendors na dating sumasakop sa mundo dapat ng mga motorista at mananakay.

At sa atake niyang milenyal ay nakakaaliw ang kanyang lengguwahe, “Dapat, etneb lang sa umaga at etneb sa hapon ang upa ng mga vendors, takuwarents lang dapat, pero dahil sa mga nangongotong, siyento singkuwenta ang nalalagas sa bulsa nila!”

Hiling ng kanyang mga nasasakupang nabibiyayaan ngayon ng kaginhawahan sa mga lumuwag nang kalye na sana’y hindi ningas-cogon lang ang mga ginagawa ng bagong mayor ng Maynila.

Ang kanyang sagot, “Kapag napuno na naman ng mga illegal vendors ang mga kalye at bangketa, pag-isipan n’yo na agad ako na nalagyan ako!”
Siyempre’y may mga nagagalit din sa kanyang desisyon na paalisin ang mga naghahanapbuhay sa kalye, galing din naman daw siya sa hirap, kaya dapat ay alam niya ang kalam ng sikmura ng mga vendors.

Pero iba nga naman ang legal sa hindi. Ibang-iba ang nagbabayad sa munisipyo sa mga lumulusot lang dahil sa patong ng mga nag-aalaga sa mga illegal vendors.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy