Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Humiling ng dasal, pera: Nanay ni Geneva tinamaan ng COVID-19

0 104

Nagdaos ng virtual music show si Geneva Cruz sa Facebook page niya para makalikom ng pondo na pangtustos sa pagpapagamot ng kanyang ina na si Marylyn Cruz.

Tinamaan ng COVID-19 ang ina ni Geneva at naka-isolate ito ngayon sa kanilang bahay.

May diabetes at hypertension daw ang ina ni Geneva kaya nag-aalala sila sa kundisyon nito.

Minabuti ni Geneva na sa bahay na lang ng manatili ang ina, kesa dalhin sa ospital na umaapaw na sa rami ang COVID-19 patients. Isa si Geneva sa nawalan ng trabaho ngayong pandemya.

Humihingi rin ng dasal si Geneva para sa ina.

 

Alex pinaiyak, pinaglaruan si Hipon Girl

Pinagtripan ni Alex Gonzaga si Hipon Girl. Mapapanood sa YouTube channel ni Alex ang ginawang panggu-goodtime sa komedyana/host nang i-treat niya ito sa mamahaling shopping mall.

Humagulgol sa tuwa si Herlene Budol nang bilhan siya ni Alex ng mamahaling sapatos at bag na Gucci.

Pero paglabas nila ng store ay hiningian siya ng P70K ng mga kasabwat ni Alex dahil sumobra raw sa P150K na budget ang nagastos nila.

Pinalabas ng mga kasabwat na nagtatalak ang nanay ni Alex na si Mommy Pinty sa pag-over budget ng anak.

Pinuwersa nilang maghagilap ng pera si Hipon Girl, kaya nagtatawag ito ng mauutangan dahil sa tensiyon. At siyempre, noong matindi na ang pag-iyak nito, doon lang sinabi ni Alex na prank lang `yon.

Umabot sa P200K ang pinamili ni Alex para kay Hipon Girl.

 

Hirit ng DDS vlogger: Bahay ni Sharon galing daw sa kurakot

 

Muli na namang dinurog si Sharon Cuneta ng mga DDS vlogger sa pagpapasilip niya sa malawak na pinagagawang bahay sa South.

Pinoste ni Sharon sa Instagram ang pinadalang video aerial view ng construction ng bahay at inisa-isa sa caption ang detalye na ilalagay sa bahay niya gaya ng swimming pool, separadong lugar para sa kanyang mga alagang aso, sariling espasyo para sa lahat ng kanyang mga gamit.

Pero sa vlog ng mga DDS, pinaratangan si Sharon na insensitive sa mga naghihirap at walang makain sa gitna ng pandemya. Pinalalabas pang galing daw sa kurakot ni Sen. Kiko Pangilinan ang ipinapagawang bahay ni Mega.

Well, alam ng marami na bilyonarya si Sharon at kaya nitong magpagawa ng

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.