Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Humarurot na rider, tepok sa trak

0 106

Nasawi ang isang motorcycle rider matapos sumalpok sa cargo truck sa national highway ng Barangay Calzada, Mabini, Pangasinan noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Melinio Doria, 20, ng Barangay Poblacion, ng nasabing bayan.

Ayon sa Mabini Police Station (MPS), dakong alas-2:40 ng hapon nakaparada ang truck (WBC-903) na minamaneho ni Renato Palad Jr., 36, sa Barangay Calzada nang biglang salpukin ng motorsiklong sakay si Doria sa bandang likuran.

Sa bilis ng takbo ni Doria, humampas ang ulo at katawan niya sa bakal at dead-on-arrival sa Pangasinan District Hospital.

Binitbit na si Palad sa MPS at sasampahan ng kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.