Una sa Balita

Humanda kayo! Singil sa kuryente sisirit

By
0 1,692

PINAGHAHANDA ni Senador Sherwin Gatchalian ang publiko sa posibilidad ng pagtaas pa ng singil sa kur­yente sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni Gatchalian na batay sa kanilang pagtaya, posibleng nasa 20 hanggang 40 sentimo ang posibleng idagdag na singil sa bawat kilowatt hour.

Ipinaliwanag ng senador na ilan sa dahilan nito ang patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso gayundin ang pagtataas ng presyo ng coal o uling na ginagamit pa ng 50% ng mga producer.

Abante Hiring – IT dep

“Dahil po sa dalawang dahilan na ito ang forecasted po in the next few months ay tataas pa ang kuryente. Ini-estimate naming sa research namin na papatak yan between 20 centavos per kWh to about 40 centavos per kWh, meyo malaki rin,” pahayag ni Gatchalian sa panayam ng isang himpilan ng radyo.

Dahil anya rito, pinagsisikapan ng Senate committee on energy na maghanap ng mga paraan upang mabawasan ang bigat ng pasanin ng sambayanan.