Una sa Balita

Humanap ng ebidensya

By
0 230

Dear Atty. Claire,

Good day! I just read your answers to Abante here online when I was sharing. Ask lang po in my situation, on my Birth Cert. both LCR and NSO naka-indicate po ang Marriage date ng parents ko but then when I was trying to get the copy of their Marriage Contract sa Mla.

City Hall, pina-search ko na po pero No Record daw po, possible po bang fake ang kasal ng parents ko even naka-indicate ang kasal nila sa birth certificate ko? Kasi nag-aayos po ako now ng Clerical Error ko po sa Surname ko. Hoping for your response. Thanks….
Wilhemina

Wilhelmina,    

Related Posts

Maaaring naglagay lamang ng date of marriage ang mga magulang mo pero hindi sila kasal para lamang palabasin na ikaw ay lehitimong anak ngunit maaari rin naman na totoong kasal ang mga magulang mo ngunit hindi lamang naipasa ng nagkasal sa local civil registrar kaya walang kopya.

Ang una mong gawin ay maghanap ka ng ibang ebidensiya ng kasal nila tulad ng mga larawan ng kasal, atbp. Alamin mo rin kung saan kaya sila ikinasal at alamin kung sino ang nagkasal, sa simbahan ba, mayor ba, pari o pastor o judge ang nagkasal. Kapag nalaman mo ‘yan ay maaari mong puntahan at alamin kung totoong nagkaroon ng kasalan. Humingi ka ng copy at hilingin na isumite nila ang kopya nila sa local civil registrar’s office kung saan sila kinasal.

Kung walang record pero may kasal naman talaga.. humanap ng ebidensiya at magpa-late register na lamang ng kasal nila. Pero kung talagang kasal ay mas makakabuti na ipaayos mo na rin at ipa-correct ang entry na ‘yan sa birth certificate mo pero sa korte na kapag pinaayos ang correction na iyan.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy