Una sa Balita

Humamig ng ‘thumbsdown’: Pagkakawanggawa ni Alex Gonzaga ayaw paniwalaan ng mga fan

0 1,156

Kilalang vlogger na si Alex Gonzaga, hindi lang bilang artista. At sa Day 6 ng enhanced home quarantine, kahit na nasa bahay lang, nakagawa ito ng paraan kasama ang kanyang mga magulang at mga kasama sa bahay na makatulong pa rin sa mga less-fortunate nilang kababayan sa Taytay, Rizal.

In one day, may 2 million views na agad ang bago niyang YouTube entry na pinakita niya ang dalawang araw na pagpa-pack nila ng mga relief goods.

Pero pinangunahan na ni Alex kung may mamba-bash man sa kanya at sasabihin na dahil vlogger siya, kaya siya namimigay ng relief at para magkaroon ng content.

Kaya umpisa pa lang, naglitanya na si Alex na hindi siya para ipagyabang ang ginagawa.

Sey niya, “Ginagawa natin ‘to, hindi to brag. Kung hindi gusto ko lang iparating na hindi lahat ng tao, may choice na mag-stay sa bahay.

“Kung kayo man ang binigyan ng choice na puwedeng mag-stay sa bahay, gawin natin yung puwedeng gawin para makatulong tayo.”

Sa mga comments, marami ang saludo kay Alex kung paano nakakatulong silang pamilya. Huwag na lang daw nitong pansinin kung may mamba-bash man, importante pa rin na sa panahong ng COVID-19, nakakagawa ito ng paraan na tumulong.

Nagulat naman kami na siguro nga, iba-iba ng kaisipan ang netizens. Kahit na may paunang salita na si Alex kung bakit ganun ang content ng YouTube niya, sa out of 6.35 million subscribers niya, in one day, nagulat kaming mas marami ang nag-thumbsdown sa video niya. Umabot ng mahigit 900 ang thumbsdown at ang thumbs up, meaning nag-like o nagustuhan ang ginawa niya ay nasa mahigit 200 lang.

Pero naman, sa panahong ito, mas maganda pa rin na anumang paraan, may nagagawang tulong.

***

Barbie Forteza lumobo sa kakakain, tulog

Sa ika-Day 12 ng enhanced community quarantine, nag-post ng Instagram video ang mommy ni Barbie Forteza na si Mrs. Amy Forteza.

Maikling video lang ito na kunsaan, casual na casual lang, nakapantulog pa nga si Barbie, walang make-up at halatang mas nagkalaman.

Nasa hapag-kainan ito habang ang nanay niya ay dinig na dinig sa background ang masarap na pagtawa. May mga comments na natutuwa sa masarap na tawa ng mommy ni Barbie at yung ibang comments naman, nahahawa sa saya ng mag-ina.

Dahil nga raw sa COVID-19, mas nagkaroon ng more bonding moment ang mag-ina. At isa rin si Barbie sa mga kabataan na naging obedient at nag-observe talaga ng home quarantine, kahit sa kabila nga nito ay hindi sila nagkikita ng boyfriend na si Jak Roberto.

Since her last taping ng teleserye niya sa Kapuso network noong March 13 naka-home quarantine lang daw siya. Tambay lang daw siya sa Netflix at kusina. Nagpaabot din ito ng mensahe sa mga kabataan na mag- stay at home lang. Kahit daw siguro iniisip na dahil mga bata pa at malakas ang resistensiya, madaling gagaling magkaroon man ng COVID-19, dapat isaalang-alang ang mga magulang na kasama sa bahay.

So since Netflix at kusina tambay nga lang siya, aminado si Barbie, “Manas” na raw siya. Ibig sabihin, tumataba na siya dahil nga naman, kung dati ay puro trabaho, ngayon, noon at kain na lang.

Comment nga sa pinost na IG video ng mommy ni Barbie, “ang taba muna @barbaraforteza miss u.” May nagpayo naman dito na mag-exercise raw para ma-burn ang kinakain. Pinansin pa na hindi raw ito healthy eater.

Pero in fairness naman kay Barbie, nakita rin namin ang isang IG post ng mommy niya kunsaan, kinunan nitong nag-exercise ang anak. Sey pa niya sa caption, “Sa loob ng 10 years, parang hindi na sanay si Barbie na tumigil sa trabaho at magpahinga.”

***

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More