Una sa Balita

Humamig ng matinding batikos: Toni nagsalita sa naganap na dinner sa Palasyo

0 519

abante-paistaran-dondon-serminoNagsanga-sanga na ang kuwento tungkol sa pagdalo ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa isang dinner sa Malacañang. Eh, may resibo nga ang pagdalo niyang ‘yon, dahil kumalat sa social media ang picture nila na kasama si President Rodrigo Duterte.

At siyempre, nanggalaiti ang mga kalaban ni Pres. Digong, na sabi nga nila, taksil daw ang magkapatid na Toni at Alex. Na kesyo hindi naman sila nangampanya noon para kay Pres. Digong, pero heto sila ngayon, at dumidikit sa Pangulo.

Ang iba, isinisisi pa ang pagkatalo ng tatay nina Toni, Alex na si Daddy Bonoy Gonzaga bilang mayor sa Taytay, Rizal. Na-turn off nga raw kasi ang mga sumusuporta sa magkapatid dahil sa biglaang pagkampi nila kay Pres. Digong.

Pero para kay Toni, okey na rin ang pagkatalo ng tatay niya sa politika.

“Mas wala nang limit ‘yung time ngayon. Before kasi laging may pupuntahan. Minsan may dinner kami, hindi siya sasama. Noon kasi talagang una ang bayan sa kanya, pero ngayon una na ang pamilya.

“Choice ng family ‘yon for him to enjoy. I think it’s time to enjoy. Kasi he dedicated a big part of his life sa politics. Kung isasama ‘yung dati, mga 12 years na siya sa politics,” chika ni Toni.

Ikaw ba ay may plano ring tumakbo sa mga susunod na eleksyon?

“Tumatakbo ako sa marathon. Sa treadmill. Okey na ‘yon. Hahahahaha!” sagot niya.

Anyway, inusisa nga namin si Toni, sa kung bakit nga ba sila biglang naimbita sa Malacañang?

Na sabi nga niya, okey naman daw ang naganap na dinner nila with Pres. Duterte.

“Okey naman. First time ko siyang ma-meet in person. First time ko siyang makaharap at makasama sa ganu’ng gathering. It was actually…”

May mga tinanong ka ba kay Pres. Digong? Ano ba ang napag-usapan niyo?

“Wala, eh. Walang time. Pagdating namin doon, nagsalita siya, may mga in-address siya na mga issue, tapos naalala ko, pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, parang sinabi namin nina Alex, nina Paul (Soriano, mister ni Toni), na puwede kayang magpa-picture sa kanya?

“Kasi first time namin ‘yon, to be invited by an elected president who is currently serving in Malacañang. First time namin ‘yon.”

So, worth it ba ang pagdalo nila sa Palasyo, pagharap kay Pres. Digong, kung ang pagbabasehan ay ang mga batikos sa kanila ng mga netizen ngayon?

“Netizens? ‘Yun nga ang okey sa walang social media, wala akong Twitter, wala akong Facebook. So, hindi ko talaga alam kung ano ang backlash na nangyayari. Pinaparating lang sa akin ng mga merong Twitter, may mga social media kung ano ang nangyayari.

“But you know, at the end of the day, everyone is entitled to their own opinion. They are all free to say whatever they wanna say. And I respect that,” sabi ni Toni.

John Lloyd ‘di kinausap ang ex-dyowa sa Malacañang

Sa naturang meeting nga raw ay nakita ni Toni si John Lloyd Cruz. Si John Lloyd ang dating mister ni Toni sa “Home Sweetie Home” sitcom ng ABS-CBN.

“Yeah, same table kami.”

Kumusta naman si John Lloyd? Nag-usap ba sila?

“Okey naman siya. Normal lang siya. Kasi ‘yung senaryo, ‘yung gathering parang hindi appropriate pag-usapan ang trabaho, kasi it was such a formal meeting, at walang nag-uusap about work, eh. We were just there, and we were all waiting kung ano ang magiging talk ng President sa aming lahat.

“Lahat kami nagkagulatan, na ‘Uy invited ka pala, invited ka pala’. Lahat kami nagkagulatan, kasi hindi namin alam kung sino ang makakasama namin. Nagka­kagulatan kami kapag may dumarating, na ‘invited ka pala’.

“Hindi rin namin alam kung bakit kami ang mga napili. Because you know, I wasn’t active naman nu’ng campaign ng presidential before. Hindi naman ako nangampanya, hindi ako, wala akong… Kaya nagulat din ako na inimbita ako.

“Ang alam ko lang siguro na-invite kami dahil kay Kuya Robin (Padilla). Pero, hindi ko talaga alam kung ano ang basis kung bakit kami naimbitahan.

“Basta it’s a private invitation na pinadala sa amin, tapos…” say ni Toni.

Siyanga pala, mas triple ang ligaya ngayon sa “Home Sweetie Home” dahil makakasama na nga nila sina Vhong Navarro, Luis Manzano, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, at marami pang iba.

Ito nga raw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya nasamahan ang mister niyang si Direk Paul sa Cannes International Film Festival.

“Gusto ko sana siya samahan, kaya lang may ‘PBB’ ako every day, tapos may commitment kami sa ‘Home Sweetie Home’, kaya hindi talaga puwede,” saad na lang ni Toni.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy