Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Humamig ng 17M: Kim, Xian namayagpag sa TikTok

0 57

Kaloka ang tandem nina Kim Chiu at Xian Lim sa TikTok, ha! Nangwawasak talaga sila ng record.

Imagine, ang simpleng TikTok entry nila na ‘Let’s dance for a newly verified account’, na may kasunod pang ‘@awkwardchinito legit TikToker ka na. Grats,’ na kung saan ay sayaw nga silang dalawa habang magka-holding hands.

Simpleng-simple lang ang dance step nila, na parang ginagalaw lang ang mga paa habang magkahawak-kamay sina Kim at Xian.

Pero, ang simpleng entry na `yon ay humamig na ng 1.5M na puso, halos 6K na komento, at kulang-kulang 9K na share sa iba’t ibang social media platform.

Pero, ang nakakaloka, umabot na sa 17M ang nakapanood ng TikTok dance nilang `yon, ha! Kabog na kabog nila ang mga nagrereyna-reynahan sa TikTok.

Heto nga ang chika ng mga follower nila sa TikTok:

“KimXi naman eh, bakit kayo ganiyan? Kilig kami, eh.”

“Wow sana marami pang TikTok together.”

“Ang cute. Sana next time magdyowa na o mag-asawa na sila. More videos pa pls.”

“Saksakin niyo na lang po ako!”

“Sama ako ang cute niyo pong tingnan mga lods.”

“Gagawin talaga ni Xian ang lahat mapagbigyan, mapaligaya lang si Kim.”

Well…

Jennylyn nahawa sa kabaliwan ni Gardo

Nahawa na si Jennylyn Mercado sa kabaliwan ni Gardo Verzosa sa TikTok, ha! At panalong-panalo naman sila.

Imagine, sa loob ng dalawang araw, ang baliw-baliwan dance nila ay humamig na agad ng 1.2M. Winner, di ba?

Eh, wala naman ginawa ang dalawa kundi umindak na parang mga baliw, ha! Hahahaha!

“Ang galing-galing naman ng anak ko mag-TikTok. Bravo!” sabi ni Gardo kay Jennylyn.

Well, mag-ama nga ang role nila sa ‘Love.Die.Repeat’, na kung saan kasama rin nila si Xian Lim. Kasalukuyang ngang nasa bubble taping ang grupo nila, at base sa mga nire-release nilang mga video, alam mong nagkakasayahan sila sa taping.

Dingdong sumaludo sa magsasaka na putol mga paa

Ngayong Linggo sa “Amazing Earth,” dadalhin tayo ni Dingdong Dantes sa amazing adventures across the nation and around the 7 continents with stories from the series about wildlife adaptation in urban areas, “Wild Metropolis: Residents.”

Sa “Babala: Bawal ang Mabagal,” in the urban jungle known as Singapore, otters don’t seem like tourists but act more like residents in crossing roads and sleeping in canals.

Sa “Amin ang ilog,” the city-state’s rivers are routinely cleaned so as to provide clean water for otters to swim in and fish in.

Kaaliw rin ang “Mafia ng mga Unggoy” sa Thailand.

At dapat ding tutukan ang “Paniki in the City,” rainbow lorikeets and 500 grey-headed flying fox bats have migrated to South Australia due to drought elsewhere, but when their new city home gets too hot too, they indulge in a bit of swimming while flying.

At siyempre, ang “Ang Sikreto sa Dilim,” Bangkok’s deadly secret is out– reticulated pythons have been on the loose for the longest time in this city! A female snake that has just given birth, leaves nothing to chance by standing guard by her eggs for 3 months straight.

Samantala, makikilala ni Dingdong si Mang Nono Ramirez, a legless Pinoy farmer sa Nueva Ecija, who is able to plant and harvest watermelons and other crops, in spite of all odds such as his disability and the lack of a steady water supply. To this end, social entrepreneur Andie Estrada and her Mt. Mingan Forest Conservation Society are working on providing free water to the farmers in the vicinity hand in hand with a reforestation project for the mountain that is part of the Sierra Madre.

Visit Mt. Purro Nature Reserve and marvel at the natural beauty of the trees under the care of Toto Malvar, the grandson of hero Gen. Miguel Malvar who was adopted by the Dumagat tribe.

Sa direksiyon ni Rico Gutierrez, ang “Amazing Earth,” airs on Sunday primetime before “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.