Una sa Balita

‘Humaharap na may tapang!’ Agot saludo kay Trillanes

0 1,413

Sumawsaw ang ilang mga celebrity sa gulong kinasangkutan hanggang ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV. Siyempre, may kampi kay Presidente Digong Duterte at meron ding umanig sa senador.

Naglabas ng reaksyon si Robin Padilla.

“Lumabas ka! Wag kang magtago sa saya ng Senado!” bulalas ni Robin.

Si Agot Isidro naman, sa tweet niya na sinamahan ng video clip ni Senator Trillanes, “Walang neck brace, walang wheel chair, walang coma, walang fentanyl, walang absent, walang numbling, walang mura.

“Humaharap na may tapang!”

Of course, hindi nagpahuli Asec Mocha­ Uson paglabas ng kanyang reaksyon sa nangyari sa senador. Inilabas niya ang lumang video ng pag-aresto kay Senador Trillanes na may caption na, “Inaabangan mo din ba ito?”

Sinagot din ni Uson ang tweet ng isang Pia Ranada tungkol sa big­laang paglabas ng revocation ng amnesty ng senador sa isang dryaryo.

“Ms. Pia Ranada para sa kaalaman mo po dahil hindi mo ugaling mag-research naka-announce yan sa dyaryo. Hindi porket hindi kayo nauna ay itinago na po sa inyo. Ganyan naman po kayo ng mga barkada niyo gusto niyo lagi kayo mauna. Pasensya ka nalang kung hindi ka na-inform ng kakampi mo sa PCOO,” saad ni Asec Mocha.

Naku, ipaubaya na lang natin ang kaguluhang nagaganap kay Senador Trillanes sa kinauukulan dahil mas masarap pa rin ang buhay sa showbiz, huh! Iilan lang naman sa kanila ang may malasakit sa ating industriya, ‘no?