Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Humabol sa gumagalaw na tren

0 55

Hinabol ko raw ang tren sa panaginip ko, ‘yung tipong tumatakbo na ang tren at paalis na sa istasyon pero pinilit ko pa ring habulin. Nakasarado na raw ang pinto ng tren pero may nagbukas tapos doon ako pumasok. Pag pagpasok ko, sabi ko raw ay kailangan kong makasakay sa tren na ‘yun kasi daw wala nang kasunod. Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko?

– Red

Ang mga panaginip na tungkol sa tren ay indikasyon na may mga kaganapan sa buhay mo na hindi mo nakokontrol sa ngayon, simbolo rin ang tren ng kapangyarihan mo para maiayos ang direksyon ng magiging future mo.

Sinasabi ng iyong panaginip na sa ngayon ay iba ang komokontrol sa iyo pero makakahanap ka ng paraan para maibalik ang kontrol na ito sa iyong mga kamay. Sa pangkalahatan kasi ang tren sa panaginip ay nagsasabi na mareresolba mo ang problema sa iyong harapan.

Kapag naiwan ka ng tren sa panaginip, sinasabi nito na mayroon kang gustong maabot sa iyong buhay pero tila imposible o mahirap para sa iyo na maabot ito sa ngayon. Pwede rin itong mangahulugan na may malalampasan kang opurtunidad na magpapabago sana sa iyo.

Pero dahil sa iyong panaginip, pinilit mong makahabol. Naabutan at nakapasok ka rin sat ren sa pamamagitan ng pagtakbo. Sinasabi nito na maaabutan mo rin ang taong inaabangan mo o kaya ay makukuha ang matagal nang hinihiling, sa pamamagitan ng iyong effort.

Mayroon pang iba’t ibang kahulugan ang tren sa panaginip. Tulad na lang kung mapanaginipan mo na ikaw ang mismong nagmamaneho ng tren, sinasabi nito na kailangang ikaw ang komontrol sa iyong sarili at huwag magpadala sa sinasabi ng iba. Kailangan mo lang magtiwala sa iyong sarili.

Ang pagdaan naman ng tren sa isang tunnel ay nagsasabing may mararanasan kang halimbawa ng isang false positive, ibig sabihin mayroong bagay na mukhang maganda ang epekto sa buhay mo pero sa totoo lang ay kabaligtaran ang sinasabi nito.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.