Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Hulyo 1, 2016 onwards, may plaka na’ – LTO Chief Galvante

0 106

Sa huling labindalawang (12) araw sa opisina, nagpasalamat si LTO Chief at DOTr Asec Edgar Galvante sa pagtitiwala sa pamumuno niya ng ahensiya. Nanumpa sa tungkuling noong Hunyo 30, 2016 at matatapos ang serbisyo sa Hunyo 30, 2022, saktong anim na taon na serbisyo ni Asec Galvante, kasabay ng termino ni Presidente Rodrigo Duterte.

“Ako’y malaking pasasalamat sa pagkakataon na para ilahad namin sa publiko kung ano yung aming nagagawa, ginawa at ano pang mai-consider maaaring gawin sa tulong nila. Ako’y nagpapasalamat, yung pagtitiwala ng mamamayan di ko bina-violate o ayokong violate-in yun. Kaya ako’g nagpapasalamat na ako’y pinatiwalaan. Sa akin, accomplishment yung pagtitiwala ng tao.”

Yan ang nasabi ni Asec Galvante nang isalang ko sa interbyu sa ating programa sa DZRJ810AM noong Sabado. (Maaaring pakinggan ang buong interbyu sa link na eto: dzrj810am/videos/)

Nanawagan si Asec Galvante sa publiko na tulungan ang LTO para sa patuloy na pagtaas ng kalidad ng serbisyo ng ahensiya.

“Tulungan niyo rin kami, tulungan nyo ang LTO upang lalo pang ma-improve ang serbisyo nito. Kung may napupuna kayo na meron magagawa pa para itaas pa lalo ang kalidad ng serbisyo, welcome ang LTO na pakinggan ito; adapt-in eto kung tunay na makakatulong eto,” wika niya.

Sinariwa ng LTO Chief ang bilin ni Sec Art Tugade sa mga opisyales ng mga ahensiya sa ilalim ng DOTr. Bago sila mag-umpisa noong June 30, nagtawag ng pulong ang dati’y incoming DOTr secretary Art Tugade para talakayin kung anu-anong isyu ang haharapin nila sa pag-umpisa ng trabaho.

Ang mahigpit na bilin raw ni Sec Tugade, “Hindi natin hahanapin kung sino ang nagbigay ng problema. Rather hanapin natin, faced with the problem, with what need to be attended to, kung papaano natin magagawan ng solusyon, ng aksyon, para ma-resolve natin isyu.”

Sa pagtatapos ng panunungkulan sa darating na Hunyo 30, naibahagi ni Asec Galvante na gawa na ang plaka ng mga sasakyan na narehistro mula Hulyo 1, 2016.

“Marami pa riyan nagda-drive ng sasakyan na ang nakalagay ay temporary plate or whatever; Yung lahat ng bagong vehicles na narehistro mula July 1, 2016 onwards, may plaka na yan,” pahayag ng LTO Chief.

“Kung meron mang wala, pabungi-bungi, ika nga. Kung puede, ipadala nila sa LTO ang photocopy ng OR/CR para ma-trace namin kung nasaan yung plaka. Maaaring hindi sila natatawagan o sumasangguni sa kanilang dealer, pero ang plaka nandun na. Kaya kung mapapadala nila ang OR/CR ma-trace namin, para masabi namin sa kanila kung nasaan yung plaka. Kung talagang na-skip-an yung plaka nila, madaling ipagawa yun,” dagdag pa niya.

“Again, uulitin ko, July 2016 hanggang sa first months ng 2022, meron ng plaka yan. In fact, meron kaming mga plaka for 2022 vehicles, hindi pa namin nai-issue kasi hindi pa nabebenta ang mga sasakyan,” pagdidiin ni Usec Galvante.

Sa huli, muling nagbigay ng pasasasalamat si Usec Edgar Galvante sa mga kawani ng LTO.
“Kung ano man ang nakita ninyong improvement sa LTO, hindi ako ang gumawa niyan. Hindi lang ako, kundi sa lahat ng kawani na nagtulong-tulong para maitaas ang kalidad ng serbisyo ng LTO.”

“Nagpapasalamat ako sa tumatangkilik at nagtitiwala sa aming opisina sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Maraming salamat.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.