Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Huling hirit ni Donaire

0 140

SA darating na Hunyo 7, sasalang si World Boxing Council (WBC) 118-pound title holder Nonito Donaire, Jr. sa rematch kay Japanese ‘Monster’ at unified World Boxing Association (WBA), International Boxing Federation (IBF) at Ring Magazine bantamweight champion Naoya Inoue.

Desidido at mataas ang kumpiyansa ng 39-year old Filipino boxing hero na makakaresbak sa 2019 loss niya sa 29-anyos na si Inoue at nangakong maiuuwi ang tagumpay sa kanilang second encounter na gaganapin sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

“June 7, in Japan, is going to be a special evening for the sport, and make no mistake, it will end in a Donaire victory,” dekalara kamakailan ni Donaire, na galing sa two-fight victory na parehong knockout kontra kina Nordine Oubaali ng Morocco noong Mayo 29, 2021 at kababayang si Reymart Gaballo noong nagdaang Disyembre 11.

Marami ang nagsasabi na huling hirit na ito ng Pinoy world champion na magku-40 anyos na sa Nobyembre 16, nananatiling underdog o dehado si Donaire sa rematch sa undefeated na si Inoue.

Sa tingin ng inyong lingkod, malaki ang tsansa ni Donaire na manalo, pero gaya ng obserbasyon ng ilang respetadong boxing analyst, kailangang mas maging agresibo si ‘The Filipino Flash’.

Dapat umatake at magpakawala siya ng mas maraming power punches, hindi iyung maghihintay lang sa atake ng Hapon.

Anuman ang kalalabasan ng rematch ni Donaire kay Inoue, sementado na ang legasiya niya bilang isa sa mga ‘greatest boxer’ ng Pilipinas.

Saludo ako sa iyo Nonito, dalangin ko at ng milyong Pinoy na umuwi kang tagumpay sa Hunyo 7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.