Una sa Balita

Huling hirit ng Ginebra: Isang taon pa kay Caguioa

By
0 927

KUNG walang magiging problema, balik-Barangay Ginebra si Mark Caguioa sa panibagong season ng PBA.

May isang-taong offer ang Gin Kings sa dating MVP para sa kanyang ika-17 season sa franchise.

Ayon sa sources, kung muling pipirma ang 2001 PBA Rookie Draft number 3 overall pick ay makukuha pa rin ang parehong sahod nito na nakalagay sa kanyang dating kontrata.

Hindi lang aniya sigurado kung makukuha pa rin nito ang maximum salary ng liga.

Hindi pa napipirmahan ni Caguioa ang nasabing kontrata dahil wala ito ngayon sa bansa at kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika.

Sa nagdaang season, pumoste ang 39-anyos na si Caguioa ng 3.6 points per game sa loob ng 42 games at dito niya nasungkit ang kanyang 10,000 points.

Sa buong karera nito, rumehistro siya ng 13.9 puntos sa loob ng 717 na laro, lahat ito sa Ginebra at nakapag-uwi na rin ito ng pitong kampeonato.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy