Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Huling captive tamaraw pumanaw na

0 123

Sumakabilang-buhay na ang unang tamaraw na sinilang sa pagkabihag na si Kalibasib, sakto sa Tamaraw conservation month.

Si Kalibasib, na ang pangalan ay acronym para sa “Kalikasan bagong sibol”, ang tanging tamaraw na nabuhay nang higit dalawang dekada sa ilalim ng isang government program na layong i-captive breed ang naturang species na critically endangered na.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabuhay siya ng 21 taon hanggang nitong Sabado, Oktubre 10, 2020. Ang average life span ng nasabing hayop ay nasa 20 hanggang 25 taon.

Napaulat na ayon sa paunang findings ng mga veterinarian, ang sanhi ng pagpanaw ni Kalibasib ay dahil sa kanyang edad.

Sa ngayon, nasa 600 na lang ang populasyon ng mga tamaraw sa Mindoro island. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.