Una sa Balita

Huli pic! Atong Ang, Sandra Cam brinaso si PCSO chief Balutan

By
0 3,425

Naglabas ng lara­wang ebidensiya ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaugnay sa pagdalaw ng gambling lord na si Charlie ‘Atong’ Ang at dating jueteng scandal whistleblower Sandra Cam na ngayo’y PCSO director, sa tanggapan nina PCSO chairman Jose Jorge Corpuz at general manager Ale­xander Balutan.

Ayon kay Balutan, sinungaling sina Ang at Cam dahil todo ang pagtanggi ng mga ito na hindi pa umano niya nakakaharap sa kabila ng ebidensiyang may CCTV monitor sa kanilang opisina at nakuhanan pa ang mga ito ng litrato nang bumisita sa tanggapan ng PCSO sa Mandalu­yong City.

Sinabi pa ni Balutan na sinamahan ni Cam si Ang sa kanilang opisina nang unang dumalaw ito noong Setyembre 2016 o ilang buwan matapos maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.

Nabatid mula kay Balutan na inaalok nina Cam at Ang ang kanilang serbisyo na patakbuhin ang Small Town Lottery (STL) sa buong bansa kapalit ng bahagi nila na P200 milyon kada buwan mula sa kita ng operasyon nito.

Sa kabila nito ay tinanggihan umano nina Corpuz at Balutan ang alok ng dalawang sangkot sa jueteng ope­ration kaya posibleng iyon aniya ang ugat ng malaking tampo ni Cam sa mga matataas na opisyal ng PCSO. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy